gravatar

O aming Inang kalikasan.....



Eto na nga ba ang aking kinatatakutan, unti unti nang aking nararamdaman.
mga pag kakasala na aking nagawa noong nakaraan hangang sa kasalukuyan,
oo tama nga kayo hangang sa kasalukuyan.

Aminado ako na ako'y isa sa mga salarin kung bakit sya ay nag umigting at
tayoy pinatikim. kailangan pa pala na libu-libong tao ang maiipit at daan-daan din ay syang kinitil. Sa mga tubig baha, putik at dumi na aking nakita ito may sa kapuso o maging sa kapamilya iisa lang ang mukha at ayos na bumulaga.

Mga kapwa kong Pilipino bakit nga ba ganito di ba natin naisip na tayo din ang may gawa at sala nito. wag na tayong manisi bagkus ay mag isip upang sa susunod na henerasyon itoy di na muling umulit.

Bangon kabayan ko di pa naman ito huli, Wag ka ng magalit o magtanim pa ng pait.
Halina at sama sama na nating baguhin ang ating ugali, Basurang dati'y kung saan saan lang inihahagis ay atin ng ipunin at sa tamang lugar doo'y sunugin.

Magkapit bisig para sa ilog Pasig ito din ay isang paraan tungo sa malinis na bayan. Mga kabundukang kinalbo, ati'y muling tamnan upang ang tubig baha at putik na rumaragasa ay di na sa atin pang muli'y dumaan.

Aming inang kalikasan sana po'y iyong dingin, tiklop tuhod na humihingi ng tawad sa aming nakagawian. Nangangako po ako na ito'y di na muling uulitin at pipilitin ko po na ako'y maging ehemplo di lamang sa aking mga "Tsikiting" mgunit pati na din po sa aking pamayanan at mga kapatid.

Gising KABAYAN!


Powered By Blogger