gravatar

Bayan ko, Bandila ko!



Puting triangulo: ito ay kumakatawan sa katapangan at kabayanihan ng mga katipunero laban sa mga kastilang mananakop. ito din ay simbolo ng pagkakaisa ng mga filipino.

3Bituin : kumakatawan sa 3 prinsipal na lugar sa ating bansa (LUZON, VISAYAS at MINDANAO)

8 Sinag ng araw : kumakatawan naman sa 8 bayan na nag umaklas sa pamumuno ng Espanya noong nakaraang 19th century. (Manila, Cavite, Bulacan, Pampanga, Nueva Ecija, Bataan, Laguna, and Batangas)

Simbolo ng mga kulay.

Pula : Simbolo ng katapangan
Dilaw : Simbolo ng bagong pag asa
Bughaw : Simbolo ng pagkakaisa
Puti : Simbolo ng kapayapaan

Sana naman po ay naintindihan nyo ang kahalagahan ng ating BANDILA at kung ano ano ang kumakatawan sa nakaloob dito.

Kay Sen. Gordon hindi dahil sa hindi nakasaad ang relihiyon ng mga kapatid nating mga muslim sa ating bandila ay nangangahulugan na sila ay ating kinalimutan na.

Hinding hindi natin pwedeng malimutan ang kabayanihan na kanilang ipinakita at sya rin namang nakipaglaban sa mga mananakop kung kayat ang Mindanao ay isa sa mga bituin na kumakatawan na din sa mga kapatid nating MUSLIM bilang isa sa mga prinsipal na bayan ng ating BANSA.

Sana po ay maliwanagan na ang mga taong pilit na gumagamit sa mga kapatid nating MUSLIM na ang sa tingin ko na mas nangangailangan ng pag tulong para sa totoong pag kakaisa sa kanilang bayan. Ang mag karoon na ng tunay na KAPAYAPAAN para na rin po sa mga kababayan nating naiipit sa digmaang na hangang ngayon ay di pa rin nalulutas at ang kawawang mga bata ang syang higit na biktima sa kawalan ng TUNAY na KAPAYAPAN!

Kung talagang para sa kapakanan ng mga kapatid na MUSLIM ang tunay na hangarin ni Sen. Gordon ay bakit hindi na lang sya ang gumawa ng paraan para mag karoon na ng kapayapaan sa Mindanao at hindi ang kung ano pa man para lang makuha ang simpatya nila para sa kanyang sariling ambisyon pam pulitika.


Powered By Blogger