Lipat dito, lipat doon....
President Benigno "Noynoy" C. Aquino III |
Whats up! ….. I’m a Filipino who happened to be here in NMI Saipan USA with my wife and my son. I have 3 kids two girls and a boy, my eldest and the second are both back in the Philippines and as I’ve said I have my only son with me here.
Being a husband of a foreign diplomat sucks especially when your wife is being assigned to places where you wouldn’t like to be in but heck anyways it’s to her career and to support her as well thats why I agree to come along.
I hope i’m making sense.
Well this is my blog/journal/rant page If you have comments or suggestion or if you dislike anything or get offended of what i write feel free to leave a comment.
Thanks for dropping by, do come back anytime.
President Benigno "Noynoy" C. Aquino III |
Ayun na nga! hay nako tapos na ang boksing.... este eleksyon pala, noong nakaraang a tres ng Mayo ako bumoto dito sa Saipan bilang Absentee Voter at syempre meron din akong manok (kala nyo kayo lang.....) obyus naman kung sino sya di ba anyways napaka dali talaga ng pag boto dito kasi nga pupunta ka lang sa pinaka malapit na Phil. Embassy or Consulado eh madali mo nang magagawang bumoto so yun na nga although yung sinaunang style pa din naman ang pag boto ko dito (di gaya ng dyan sa Pinas na "Automated" na) eh naging ok din naman. Medyo madami-dami din naman akong nakasabay na bumoto dito at take note talagang napaka kukulit pa din naman ng karamihan sa mga kababayan natin dito nandyan yung mga nag papatawa, nagagalit at napakaraming question sa mga staff ng kunsulado, at syempre meron pa din namang mga tahimik lang at minding their own bussiness ika nga. pagkatapos kong bumoto ay binalikan ko yung mga listahan ng mga botante at napansin ko na may mga ka apelyido pala ako na nandito din sa Island pero di ko lang sure kung kamag-anakan ko sila o simpleng ka apelyido ko lang sila dahil wala naman akong natatandaan na sinabihan ako ng tatay ko na may mga kamag anak kami dito.
Basta batayang mabuti ang inyong boto at minsanan lang ito sa loob ng 6 na taon eh baka naman matanso na naman tayo..... alam nyo na.....
Wow time really fly so fast when your enjoying..... yeah literally "When your enjoying" it was an awesome vacation me and family had, every minute of it was wonderful. My kids enjoyed it so much back there and lalo na ako he he he......
Ok I'm going to start my kwento ng kami ay sumakay pa lang sa eroplano dito sa napaka lungkot na pulo ng Saipan, My kids were like excited na parang di na nila napansin na from here at the Saipan airport patungong Guam will take us 35 - 45 minutes and from Guam to Manila almost 4 hours.
How time passed by so fast, its like we arrived here in the Philippines yesterday and then next week were going back to Saipan . How i wish that we stay here na lang. anyways its been awhile since my last posting and I still dont know how am I going to start sa mga magaganda kong kwento while here in Q.C well aside from Election fever eh masyadong napakaraming mga nangyari sa akin dito pero ikukwento ko na lang pag balik ko ng Saiapn at doon ay may time na ako para mag update ng blog so for now eto na lang muna.
bye!
Paty List..... hmm..... para kanino nga ba ito?
Ngayong na sa ika-14 na kongreso (2007-2010) sa unang pagkakataon ay pinayagan na magkaroon ng boses ang mga pangkaraniwang mamamayan na sila ay mairepresenta sa mababang kapulungan sa pamamagitan ng "PARTY LIST", Pero ano ito bakit napapansin ko at ng iba ko pang kakilala na tila yata na-bahiran na din ng tradisyonal na pamumulitika ang mga ito (Party list group).
Ano ba talaga ang batayan upang ang isang Party List ay maging karapat dapat na makasali/makalahok sa mababang kapulungan? at kung palarin naman na manalo ang isang grupo/party list ay ano naman ang kriterya na kinakailangan para maging representante ng kanilang kinasasapian na grupo/party list? kailangan ba na may kasapi sila na pulitiko na gustong makapwesto? di kaya ginagamit na din ito para sa madaliang makapwesto sa mababang kapulungan ang sino mang pulitko na gusto rin makihalubilo sa "Pork Barrel"?
Sana naman ay maging malinaw na ito sa mga gaya ko na nag tatanong kung talaga bang para ito sa mga simpleng mamamayan o isang paraan ng mga pulitiko na gustong mag ka pwesto sa kongreso ng madalian, bakit ika ninyo kasi nga sa dinami dami ng mga party list na nag susuong ng kanilang mga adhikain sa kongreso ay bakit di mawala wala ang mga trapo sa likod ng mga ilan dito (di ko na siguro kailangan pang mag bigay ng halimbawa kung sino man sila kasi napaka obyus naman kung sino-sino mga ito.... di ba.), ano nga ba comelec?
Palagay ko kinakailangan na nga na ma amiendahan na ang "Party List Law" para naman magkaroon ng tunay na pag representa sa mga mamayanan ng ating bayan.
3 bata naglalaro.... nang may dumaang eroplano sa himpapawid.....
bata 1 : Yan ang sinakyan ng tatay ko papuntang Saudi! (Sabay turo sa eroplanong dumaan).
bata 2: Sino kaya nag imbento ng eroplano?
Sa swimming pool habang sila ay nag tatampisaw.....
bata 2: Sino kaya nag imbento ng swimming pool?
Sa loob ng bahay habang nakain ng ice cream.....
Bata 3: sino kaya nag imbento ng ice cream?
Sa harapan ng kanilang bahay eto naman ang tanong ng isang bata....
bata 2: Sino kaya nag imbento ng Camella homes?
Sagot naman ng ina ng isang bata na napadaan lamang.....
Ina ni bata 1:Bakit di mo na lang tanungin ang nag bayad sa atin para malaman na din natin kung bakit at para saan ba itong commercial na ito. ito ba ay para makalusot sya comelec dahil sa pag commercial ng kanyang pangangampanya.
Ang galing-galing talaga!
- From the Pinoy abroad and a TFC subscribers.
It seems like everywhere you go you will see Sen. Villar's political campaign ads...... WTF! even in Yahoo chat! Google ads and facebook! is this guy the real deal.... ok ok ganito yan ayon sa kanyang mga salita sya daw ay mahirap at maka mahirap, MAHIRAP KA? hmm... kung mahirap ka eh ano na tawag sa mga taga payatas, sa mga nasa kalye at nang lilimos? HAMPAS LUPA NA?
Oo nga at ito ay parte ng pangangampanya pero sa tingin nyo sino ang gumastos sa mga ito? friends of him (Sen. Villar) or by him? hmm.... ulit.... kung by friends of him sobra naman yatang ang laki ng mga ginagastos ng mga ito para lang sa mabuting senador, di kaya sa huli at pagpalain na maging pangulo nga sya eh magkaroon ng paglapit ng mga sinasabing tumulong at gumastos sa kanyang kampanya? ano sa palagay mo Sen. Villar ser?
At kung ang mabuting senador nga ang gumastos dito tila sobra-sobra naman yata ang nagagasta mo ser, baka naman bawiin mo din yan ha...... hmm..... kung susumahin kaya natin ang mga ito aabot sa magkano na kaya ang nagagasta ng kampo ng mabuti nating senador? well iiwanan ko na lang ang mga katunungan kong ito sa inyo.
Sino-sino pa kaya ang mga nagsisipag gasta ng malaking halaga para sa pangangampanya para sa mataas na posisyon ng ating bansa maliban sa ating mabuting senador?
Isang pag puna at walang halong pangungutya lamang po ito at sana naman po ay maging bukas ang inyong mga isipan sa lahat ng aking mga kwestyun.
Yup thank God it's friday! malapit ko ng masinghot ang halimuyak ng kamaynilaan.... ilang araw na lamang at ako ay sasabak na naman sa trapik at masayang election fever sa ating inang bayan.
Oo tama ka uuwi kami ng aking pamilya upang mag bakasyon sa Pilipinas. pero teka ano ba ito at papauwi na lang kami ay tila may mga taong walang magawa at pati ang aking may bahay na sa kabila ng kanyang pagiging tapat at masipag sa kanyang trabaho bilang isang kawani ng gobyerno ay may kakaharapin na mga taong di namin malaman kung may ingit o sadyang wala lang magawa at bigla na lamang ki kwestyunin ang kanyang estilo at kredibilidad sa kanyang trabaho at hahaluan pa ng pag dududa, well siguro nga ay di na mawawala ang mga ganitong klase ng mga tao lalong lalo na at ang mga ito ay di naman nag mula sa pinaka mababa ngunit sa kadahilanang itong mga ito ay mga bit-bit ng kani-kanilang mga "Padrino" kung kayat matulin pa sa takbo ng isang kabayo ang kanilang pag angat sa kanilang posisyon bilang isang kawani sa gobyerno.
Akalain mo ikinukumpara pa ang aking may bahay sa kanyang pinalitang kasamahan sa trabaho..... tsk tsk tsk..... tao nga naman oo at ito pa ang isa, akalain nyo na kahit hindi na kailangang ungkatin ay nag uungkat pa ng kung ano-ano..... he he he.... nakakatawa talaga ang buhay ano pero ok lang yun sabi nga nya sa akin (ng aking may bahay) na pabayaan ko na lang daw ito at wag na akong makisali pa pero hindi ko kasi matangap ang mga ganitong paratang sa aking asawa dahil kung sino man ang mas nakakakilala sa kanya ay walang iba kundi ako at ako lamang (bukod syempre sa kanyang mga magulang ano..) kung kayat kahit dito lang sa aking munting pahina ay nailalabas ko ang aking sa loobin.
O kung ako sa inyo mag trabaho na lang kayo at mag silbi ng maayos sa mga kababayan natin dahil mas may dapat kayong asikasuhin dito at hindi lang na basta malustay ang buwis na binabayad ng mga kababayan ko para sa sweldo sa inyo bilang tagapag silbi sa mga OFW na nag hihirap na pero ganito lang ninyo lulustayin sa kayabangan nyo ang knilang pinag hihirapan.
Tanong ko lang ano, Ano ba talaga ang ipinunta natin dito? ako alam ko, kaya kami nandito sa career ng aking may bahay at ito ay ang magsilbi sa mga kababayan ko pero bakit yung iba ganon porke ba dolyares na ang mga sweldo eh kung umasta eh parang napakayaman na nila at di na nila ginagampanan ng tama ang kanilang posisyon. "Hoy! mahiya ka naman at yung pera na sinasahod mo ay di mo dapat ipinag yayabang!" wag kakalimutan na ang nag papasweldo sa inyo ay ang taong bayan.
Bato-bato sa langit ang tamaan wag mag wawala kasi ang pikon talo! Walang personalan ha trabaho lang (-v^)
Noong nakaraang lingo idiniklara ng Pangulo ang "MARTIAL LAW" sa Maguindanao, Ang pag dedeklara nito ay ibinaba para daw masugpo at madisarmahan na ang mga "Private armies" sa nasabing lalawigan bunsad na din sa nangyaring massacre sa ilang mamamahayag at katungali sa pulitika. Dapat nga bang ito ay ideklara? bakit hinintay pa nating may mangyaring karumaldumal na krimen bago naisip ng pamahalaan na itong mga war lords na ito ay maimbestigahan, sino ang dapat managot sa mga pagka-karoon nila ng mga ganitong kadaming tauhan at modernong matataas na uri ng armas?
May mga nagsasabing ito daw mga private armies na ito ay kinailangan ng bayan para daw madagdagan ng pwersa ang gobyerno laban sa mga rebeldeng muslim ngunit sa totoong buhay ay sila itong mga nag hahari-harian sa nasabing bayan at di ang mga sinasabi nilang rebelde.
Ang Maguindanao ayon sa survey ay ikatlo sa mga naghihirap na bayan dito sa Pilipinas, ang ikanabubuhay ng mga naninirahan dito ay pagiging magbubukid ngunit bakit may mga pamilya dito na ubod ng yaman na ayon sa balita na mahigit o aabot na sa 3 bilyong piso mga pera at ari-arian ng nasabing pamilya. Bakit at papaano ito nagyari? ang pag bubukid lamang ang ikinabubuhay ng mamamayan dito at gaya nga ng nasabi ko ito ay ikatlo sa pinakamahirap na bayan sa Pilipinas.
Ang mga armas na nakuha ng militar sa mga ari-arian ng isang kilalang pulitkong pamilya ay hindi basta basta. ito marahil ang isa sa mga dahilan at ibinulgar ni Sen. Trillanes noong sya ay nag attempt ng coup, isang katotohanan na ang kanyang ipinag lalaban ay tunay na nangyayari sa ating bansa. papaanong ito ay napunta sa nasabing pamilya?
Kinakailangan pa ba talaga ng Batas militar para lang itong mga ganitong pag iimbestiga ay sumuong? o isa itong pagtatakip sa tunay na mangyayari at magaganap (Over spilling ba ito sa tunay na sitwasyon?).
Wag naman po sanang ito ay maging tulay sa isa na naman pong deklarasyon pambansa MARTIAL LAW), kami po ay sawa na sa ganitong sitwasyon ilang dekada na ang nakilipas noong itong ating bansa ay nasa ilalim nito at maraming nag patunay na ito ay isang pagpapahirap sa mamamayan.
Huling pakiusap ko lang po sa aking mga mambabasa na sana po ay imulat natin ang ating mga mata sa katotohanan at wag sa mga matatamis na salita ng iilan. ang hustisya po ay pwede natin makamtam kahit na po tayo ay di isasailalim sa BATAS MILITAR ang kailangan lang po ay tunay at transparent na pag iimbestiga at pag huhusga.


The DSWD story continue....
Blah!..... i dont know if i would laugh or what.... whats this? i thought they're already doing something.... bakit ganito at parang usad pagong pa din ang mga tinamaan ng @#$%^^$@#!....... ok na sana nung nag paliwanag eh pero, kaya ba ng higit sa 10 katao lang ang pag iimpake ng mga relief goods? tapos sasabihin pa ng isang kawani na have they sufficient manpower. "Marami akong staff na gumagawa. Tuloy-tuloy ang pagre-repack. It’s not an issue for us here na porke’t walang volunteers, nagiging slow ang operations." then the employee said that the movements are busy during weekdays and volunteers come during night time and weekends. tanong ko lang gaano ba kadami ang volunteers nyo para malaman naman namin kung meron nga o wala? kung may volunteers man eh bakit parang ang bagal pa din? eh kung titignan nyo dito sa kuha ng taga GMAnews.tv eh parang ganon pa din kagaya nung kuha sa blog ni Ate Ella (Courtesy of GMAnews.tv).
Opinion ko lang ito ulit ha at siguro pag gising na din. What can we do to be of help so that the relief goods can reach the poor victims of typhoon as fast as possible? do we lack of national information drive? do you need more help? or we'll just wait till the next typhoon to arrive again....
Attention DSWD! face it you really need more volunteers, maybe people like me can help you guys announcing it to the public that you need more volunteers so that the relief goods would reach evacuation centers ASAP.
Para naman po kasi di kayo mapunaan ay gawin ninyo po ang tama at nararapat kasi po kung meron mga kagaya namin na pumapansin eh isa lang po ang ibig sabihin...... DAPAT NA KAYO AY GISINGIN!
FOLLOW UP REPORT COURTESY OF GMAnews.tv
PHOTOS COURTESY OF ATE ELLA'S BLOG @ http://www.ellaganda.com

Hinagpis ng lahi sayo binuhos
Luha'y tumulo dugo'y umagos
Saksi ang langit sa mga pasakit
Kung sino-sino ang mga gumamit
Inapi ka inano ka sinaktan pa,
Bakit sino ba sila?
Nanumpa ng tapat sayo
Sa papel luman at tsaka dugo
Sa pula sa pute sa bughaw sa dilaw
Sa ilaw na hatid ng pagsilab ng araw
Sa bawat katerba ng batingaw
Kalayaan ang isinisigaw
Watawat kay gandang tingnan
Watawat sa kalangitan
Watawat itaas mo yan
Salubungin ang kaarawan ng bayan
Watawat edad ay isang daan
Watawat makulay ang nakaraan
Watawat itaas mo yan
Ipagdiwang natin ang ating kalayaan
Bughaw ang kulay ng katarungan,
kapayapaan at katotohanan.
Pula naman ang kulay ng kagitingan,
katapangan, pagkamakabayan.
Puti naman ang kulay ng kalinisan
na tayong lahat ay pantay-pantay lamang
At ang sinag ng araw na kulay dilaw
ay ang walong lalawigan na lumaban
noong araw. Batangas, Bulacan at Laguna sa Nueva
Ecija at Pampanga, Maynila, Cavite, Lalawigan
ng Tarlac Ipagtanggol ka lamang oh mahal kong...
WATAWAT!
Tatlong Bituin at isang araw
Sa pula sa puti sa bughaw sa dilaw
Salubungin ang kaarawan ng bayan
Ipagdiwang natin ang ating kalayaan
Itaas mo yan, itaas mo dyan
Ipantay ang badila ng bayang sinilangan
Alab ng puso sa dibdib ay buhay
hanggang mamatay
kahit kanino sasabay
Sana maintindihan at mabigyang pansin
Suriin natin ang istorya ng bandila natin
ang diwa sa disenyo sa mga nagtahi nito,
nag-isip nito, nagtaas nito, nagtaas noo.
- Francis Magalona

Puting triangulo: ito ay kumakatawan sa katapangan at kabayanihan ng mga katipunero laban sa mga kastilang mananakop. ito din ay simbolo ng pagkakaisa ng mga filipino.
3Bituin : kumakatawan sa 3 prinsipal na lugar sa ating bansa (LUZON, VISAYAS at MINDANAO)
8 Sinag ng araw : kumakatawan naman sa 8 bayan na nag umaklas sa pamumuno ng Espanya noong nakaraang 19th century. (Manila, Cavite, Bulacan, Pampanga, Nueva Ecija, Bataan, Laguna, and Batangas)
Simbolo ng mga kulay.
Pula : Simbolo ng katapangan
Dilaw : Simbolo ng bagong pag asa
Bughaw : Simbolo ng pagkakaisa
Puti : Simbolo ng kapayapaan
Sana naman po ay naintindihan nyo ang kahalagahan ng ating BANDILA at kung ano ano ang kumakatawan sa nakaloob dito.
Kay Sen. Gordon hindi dahil sa hindi nakasaad ang relihiyon ng mga kapatid nating mga muslim sa ating bandila ay nangangahulugan na sila ay ating kinalimutan na.
Hinding hindi natin pwedeng malimutan ang kabayanihan na kanilang ipinakita at sya rin namang nakipaglaban sa mga mananakop kung kayat ang Mindanao ay isa sa mga bituin na kumakatawan na din sa mga kapatid nating MUSLIM bilang isa sa mga prinsipal na bayan ng ating BANSA.
Sana po ay maliwanagan na ang mga taong pilit na gumagamit sa mga kapatid nating MUSLIM na ang sa tingin ko na mas nangangailangan ng pag tulong para sa totoong pag kakaisa sa kanilang bayan. Ang mag karoon na ng tunay na KAPAYAPAAN para na rin po sa mga kababayan nating naiipit sa digmaang na hangang ngayon ay di pa rin nalulutas at ang kawawang mga bata ang syang higit na biktima sa kawalan ng TUNAY na KAPAYAPAN!
Kung talagang para sa kapakanan ng mga kapatid na MUSLIM ang tunay na hangarin ni Sen. Gordon ay bakit hindi na lang sya ang gumawa ng paraan para mag karoon na ng kapayapaan sa Mindanao at hindi ang kung ano pa man para lang makuha ang simpatya nila para sa kanyang sariling ambisyon pam pulitika.