gravatar

Magna Cum NAKAW!



Nandyan na naman ang mga dating mag
nanakaw, nasa paligid ng palasyo
pumepwesto nakikiagaw sa eksena galis
lipunan parang eksema bumabarena sa
sistema.

Nangungulekta ng buwis pero saan ito
pumupunta? dumami ng dumami at ang
bilis ng pangyayari, ang bilis kumalimot sa
mga kasalanang sari sari. hindi sila
matatali, ganito na lang ba... lagi? ang
ating sinasabi sa kamay ng mga inutil
nasasayang ang pawis na mga butil.

Mga tuso'y nasa paligid sumisisid
gumigilid. sa kanilang mga aksyon ang
bayang pilipinas ay tagilid, bunganga'y
lumalatay pero ang lakad ay baluktot.
pulitika salita salita salita puro palusot.
pam boboto'y hinahakot at sa dyos ay
walang takot, kung pumako ng pangako
sa kamay ng mga pilipino.

Ako na ang pupuna wag kang matakot
kahit kanino sabihin mo na isoli na
ang isnubling kayamanan, anak ng
tinamaan ng kidlat ang bayan ay
napahamak dahil isa kang talamak!


Magnanakaw!
mas makinis pa sa iyo ang buwaya,
mas matilno pa ang mga biya,
mas mabagal ka kesa sa pagong,
wag ka nang mag tanong dahil isa kang
ulopong!


Puro papogi lang naman ang inaatupag
ng mga paternong kumag, nawalan na ng
lupa sa kagubatan ang ating mga lumad.

Ang kasamaan ba'y nagmumula sa
sinapupunan kasi naman ang dami
daming pagkukulang, ang dami daming
inutang.

Sa paaralan dapat ibinubuhos ang mga buwis,
edukasyon ang sulusyon na ang landas
nati'y di lumihis.

Nakakainis ang bangayan at awayan at
turuan naman naman magkakasubukan
kung ang utak nila'y may laman.

Bakit pinabayaan na ang bayan natin ay
manakawan, ganito na lang ba palagi ang
estado ng ating bayan?

Dapat ay lumaban sa lantarang pang
garapalan pakapalan lang ng mukha
ang labanan ang batayan, ang batayan.

Pero kapag binatikos lahat
silay balat sibuyas hinding hindi aamin
abay daig pa nila si hudas na nag bigti ng
malaman ang kanyang ginawang kisalanan
e bat ang iba riyan ay pa deny deny na lang.

Pag isipan ng mabuti kung
sino ang tunay kung sino ang peke at
syang mag lulustay!


Magnanakaw!
mas makinis pa sa iyo ang buwaya,
mas matilno pa ang mga biya,
mas mabagal ka kesa sa pagong,
wag ka na mag tanong dahil isa kang
ulopong!



- Francis M


Powered By Blogger