Showing posts with label walang personalan. Show all posts

gravatar

Mga Tanong......? Gov't Workers Union..........

Bacuñgan, Froilan M. "The right to self-organization of government employees under the 1987 Constitution."Philippine labor Review 1 (January-June 1987), 11: 11-18.


 May mga katanungan ako sa aking makitid na pag iisip kung ano nga ba ang mga karapatan ng mga empleyado ng gobyerno sa ating bansa, so eto nga at ako ay nag internet research at ang aking unang napuntahan ay ang website ng Filipiniana.net and dito nga ay nabasa ko at naintindihan ko na ang mga kawani ng gobyerno sa ating bansa ay may karapatan na mag tayo ng isang union (1987 constitution).

Ngayon sa aking mga katanungan.........

1. Ano nga ba talaga ang papel ng workers union sa Pilipinas lalo na sa isang departamento o sangay ng gobyerno?

2. May karapatan ba ang Lider o Pinuno ng workers union na mag "baker" o mag backup sa isang empleyado para tumaas ang kanyang rango?

3. Ilang taon ba ang termino ng isang pinuno ng isang union?

4. Kailangan ba na malakas ang isang emplayado sa lider o pinuno ng isang union para sa pangsarili nilang intensyon?

5. Anu-ano nga ba talaga ang papel ng isang lider o pinuno ng workers union sa mga myembro nito?

Ang mga ito ay ilan lang sa mga katanungan ko na gusto ko sana na masagot ng kahit na sinong tao, kabayan ko o may tamang kaalaman pag dating sa ganitong usapan. May mga estorya kasi akong nasagap na sa isang sangay ng ating gobyerno ay mayroong ganitong mga pangyayari na ang isang empleyado o kawani ng gobyerno sa ating bansa ay walang pakundangan na pinagkakalat na sya ay (Ayun sa kanya...) malakas sa lider o pinuno ng kanilang union kung kaya daw sya ay parang ROCKET na makakaakyat mula sa mababang rango patungo sa ikatlong hakbang ng pag taas ng rango sa isanang PROMOTION.

Sa pagka ka-alam ko ang empleyadong ito naman ay karapat-dapat sa ganun na rango pero bakit kailangan pa na ipagsigawan o ipagmalaki nya sa kanyang mga kasamahan na sya ay bi-nakpakan ng lider ng kanilang union ng kanilang opisina? at bakit din kaya nung sya (Ang empleyado) ay nagsimula sa opisinang ito ay di nya agad nakuha ang dapat na sana'y rango na nya at kinailangan pa na may baker pa sya para lang sya ay tumaas (di lang isang antas pero tatlong antas pataas pa)?

Ano sa palagay nyo? tama ba to o masyado lang akong nagiging papansin? ...................... pero sa totoo lang ha dapat siguro ay may makapansin nito para naman sa kapakanan ng mga kawawang mga kaswal na empleyado na medyo matagal tagal na ding di na reregular sa kanilang trabaho na sya namang dapat na pag tuunan ng pansin ng lider o pinuno ng kanilang union o ang mga empleyado na karapat-dapat na mabigyan ng nararapat na promosyon, Di ba?

Bato-bato sa langit ang tamaan......................... KUNSENSYA MO NA YAN!!!

note:
Opinyon at katanungan ko lang ang mga isinulat ko at ito ay isang karapatan ko bilang blogger na maisaad ko ang aking saloobin at bilang pag puna na din sa mga nakikita ko at na e-experience sa araw-araw.

gravatar

45 wonderful days in the Philippines

Wow time really fly so fast when your enjoying..... yeah literally "When your enjoying" it was an awesome vacation me and family had, every minute of it was wonderful. My kids enjoyed it so much back there and lalo na ako he he he......

Ok I'm going to start my kwento ng kami ay sumakay pa lang sa eroplano dito sa napaka lungkot na pulo ng Saipan, My kids were like excited na parang di na nila napansin na from here at the Saipan airport patungong Guam will take us 35 - 45 minutes and from Guam to Manila almost 4 hours.

 

So from the NAIA we were fetch by my father in-law and my brother so eto na dito na nag simula ang magandang kwento, kahit na nga ba medyo jet lag pa kami eh di na namin ito napansin kahit na din na halos magsuka na sa hilo si Luigi ok lang din ang importante lang sa kanya ay ang makapunta agad kami sa Jollibee (lol) and yung 2 naman eh ang gusto makauwi agad sa house namin eh ako naman syempre diretso agad sa starbucks for my Caffe Latte (Venti ofcourse).

Day 2 we went to SM north edsa i bought the ACCEL A-toy edition ( i forgot to take a photo of it but soon i'll post it.) after shopping syempre CHIBUGAN NA! kumain kami fast food miss na kasi namin eh so yun na pag kakain eh konting window shopping saka kami umuwi sa bahay siguro mga 7pm na yun.

Marami pa akong escapades sa Pinas so for now eh eto na lang muna. o sige manood muna ako ng Pinoy TV at 24 oras na!

gravatar

TGiF! Hoy ikaw wag kang mayabang!

Yup thank God it's friday! malapit ko ng masinghot ang halimuyak ng kamaynilaan.... ilang araw na lamang at ako ay sasabak na naman sa trapik at masayang election fever sa ating inang bayan.




Oo tama ka uuwi kami ng aking pamilya upang mag bakasyon sa Pilipinas. pero teka ano ba ito at papauwi na lang kami ay tila may mga taong walang magawa at pati ang aking may bahay na sa kabila ng kanyang pagiging tapat at masipag sa kanyang trabaho bilang isang kawani ng gobyerno ay may kakaharapin na mga taong di namin malaman kung may ingit o sadyang wala lang magawa at bigla na lamang ki kwestyunin ang kanyang estilo at kredibilidad sa kanyang trabaho at hahaluan pa ng pag dududa, well siguro nga ay di na mawawala ang mga ganitong klase ng mga tao lalong lalo na at ang mga ito ay di naman nag mula sa pinaka mababa ngunit sa kadahilanang itong mga ito ay mga bit-bit ng kani-kanilang mga "Padrino" kung kayat matulin pa sa takbo ng isang kabayo ang kanilang pag angat sa kanilang posisyon bilang isang kawani sa gobyerno.



Akalain mo ikinukumpara pa ang aking may bahay sa kanyang pinalitang kasamahan sa trabaho..... tsk tsk tsk..... tao nga naman oo at ito pa ang isa, akalain nyo na kahit hindi na kailangang ungkatin ay nag uungkat pa ng kung ano-ano..... he he he.... nakakatawa talaga ang buhay ano pero ok lang yun sabi nga nya sa akin (ng aking may bahay) na pabayaan ko na lang daw ito at wag na akong makisali pa pero hindi ko kasi matangap ang mga ganitong paratang sa aking asawa dahil kung sino man ang mas nakakakilala sa kanya ay walang iba kundi ako at ako lamang (bukod syempre sa kanyang mga magulang ano..) kung kayat kahit dito lang sa aking munting pahina ay nailalabas ko ang aking sa loobin.



O kung ako sa inyo mag trabaho na lang kayo at mag silbi ng maayos sa mga kababayan natin dahil mas may dapat kayong asikasuhin dito at hindi lang na basta malustay ang buwis na binabayad ng mga kababayan ko para sa sweldo sa inyo bilang tagapag silbi sa mga OFW na nag hihirap na pero ganito lang ninyo lulustayin sa kayabangan nyo ang knilang pinag hihirapan.



Tanong ko lang ano, Ano ba talaga ang ipinunta natin dito? ako alam ko, kaya kami nandito sa career ng aking may bahay at ito ay ang magsilbi sa mga kababayan ko pero bakit yung iba ganon porke ba dolyares na ang mga sweldo eh kung umasta eh parang napakayaman na nila at di na nila ginagampanan ng tama ang kanilang posisyon. "Hoy! mahiya ka naman at yung pera na sinasahod mo ay di mo dapat ipinag yayabang!" wag kakalimutan na ang nag papasweldo sa inyo ay ang taong bayan.



Bato-bato sa langit ang tamaan wag mag wawala kasi ang pikon talo! Walang personalan ha trabaho lang (-v^)


Powered By Blogger