Showing posts with label DEMOKRASYA. Show all posts

gravatar

A dyes ng Mayo



Isang magandang araw ang aking pag bati sa aking mga kababayan, ngayon ika sampu ng Mayo ay importanteng araw para sa ating lahat, bakit? eh di ano pa eto na ang panahon para tayong lahat ay mag desisyon para sa kinabukasan ng ating bansa at para din ito sa kinabukasan ng ating mga anak kung kaya dapat ay maging mapanuri tayong lahat. Pula, Orange, Berde o Dilaw man ang iyong kulay ang pinaka importante ay ang seguridad ng ating napaka halagang boto at naway tayong lahat ay makatikim naman ng isang matiwasay at malinis na halalan at wag na sanang maulit pa ang mga nakagawian o na experience natin noong mga nakaraang halalan na alam naman ng lahat na isa sa pinaka maruming halalang naganap sa istorya ng eleksyon sa ating bansa.

Ok so ano na? Siguro naman eh sa haba-haba ng panahon na ating nakikita sa mga poste, telebisyon at kung saan-saan pa sa ating paligid ang mga mukha ng mga kandidato eh mayroon na din kayong napupusuan kalokohan naman na wala pa o baka naman di ka botante he he he........ ( sa mga hindi rehistrado/botante tandaan nyo wala kayong karapatang mag reklamo ha kasi di naman kayo sumali sa eleksyon, ok!).

Basta batayang mabuti ang inyong boto at minsanan lang ito sa loob ng 6 na taon eh baka naman matanso na naman tayo..... alam nyo na..... 

Kaya mga kabayan ko sugod na ng maaga bukas (10th May 2010) sa ating mga kanya-kanyang presinto at wag ng makigulo pa sa mga tanghali na kung magsikilos at ng maaga pa lang ay natapos na ninyo ang inyong OBLIGASYON bilang isang botanteng PILIPINO.

gravatar

Party List sa Kongreso

Paty List..... hmm..... para kanino nga ba ito?

Ngayong na sa ika-14 na kongreso (2007-2010) sa unang pagkakataon ay pinayagan na magkaroon ng boses ang mga pangkaraniwang mamamayan na sila ay mairepresenta sa mababang kapulungan sa pamamagitan ng "PARTY LIST", Pero ano ito bakit napapansin ko at ng iba ko pang kakilala na tila yata na-bahiran na din ng tradisyonal na pamumulitika ang mga ito (Party list group).

Ano ba talaga ang batayan upang ang isang Party List ay maging karapat dapat na makasali/makalahok sa mababang kapulungan? at kung palarin naman na manalo ang isang grupo/party list ay ano naman ang kriterya na kinakailangan para maging representante ng kanilang kinasasapian na grupo/party list? kailangan ba na may kasapi sila na pulitiko na gustong makapwesto? di kaya ginagamit na din ito para sa madaliang makapwesto sa mababang kapulungan ang sino mang pulitko na gusto rin makihalubilo sa "Pork Barrel"?

Sana naman ay maging malinaw na ito sa mga gaya ko na nag tatanong kung talaga bang para ito sa mga simpleng mamamayan o isang paraan ng mga pulitiko na gustong mag ka pwesto sa kongreso ng madalian, bakit ika ninyo kasi nga sa dinami dami ng mga party list na nag susuong ng kanilang mga adhikain sa kongreso ay bakit di mawala wala ang mga trapo sa likod ng mga ilan dito (di ko na siguro kailangan pang mag bigay ng halimbawa kung sino man sila kasi napaka obyus naman kung sino-sino mga ito.... di ba.), ano nga ba comelec?

Palagay ko kinakailangan na nga na ma amiendahan na ang "Party List Law" para naman magkaroon ng tunay na pag representa sa mga mamayanan ng ating bayan.

gravatar

Sino ang nag imbento?

3 bata naglalaro.... nang may dumaang eroplano sa himpapawid.....

bata 1 : Yan ang sinakyan ng tatay ko papuntang Saudi! (Sabay turo sa eroplanong dumaan).

bata 2: Sino kaya nag imbento ng eroplano?

Sa swimming pool habang sila ay nag tatampisaw.....

bata 2: Sino kaya nag imbento ng swimming pool?

Sa loob ng bahay habang nakain ng ice cream.....

Bata 3: sino kaya nag imbento ng ice cream?

Sa harapan ng kanilang bahay eto naman ang tanong ng isang bata....

bata 2: Sino kaya nag imbento ng Camella homes?

Sagot naman ng ina ng isang bata na napadaan lamang.....

Ina ni bata 1:Bakit di mo na lang tanungin ang nag bayad sa atin para malaman na din natin kung bakit at para saan ba itong commercial na ito. ito ba ay para makalusot sya comelec dahil sa pag commercial ng kanyang pangangampanya.

Ang galing-galing talaga!

- From the Pinoy abroad and a TFC subscribers.

gravatar

DEMOKRASYA

Maraming salamat kay Joey Ayala sa pag papaalala na sa darating na a kinse ng setyembre taong kasalukuyan ay dineklara ng UN ang araw na ito para araw ng "DEMOKRASYA".

Tanong ni Joey Ayala (Sa kanyang pahina sa Facebook. 09-08-09),

Joey Ayala: Ano sa iyo ang DEMOKRASYA? Isabuhay mo na!

Joey Ayala: Para sa akin ang DEMOKRASYA, ay PAKIKILAHOK.

Kalabaw: Demokrasya.... hmm..... kay sarap pakingan ngunit ang hirap makamtan.... naalala ko pa noong nakaraan itoy taong mil nueve syentos otsenta y' sais buwan ng pebrero... dito nadama ko ang tunay na pagkakaroon ng DEMOKRASYA, pero ano bat itoy bigla ding nawala... Ano nga ba ang tunay na DEMOKRASYA at bakit itoy ipinag kakaila lalong lalo na sa ating sabik sa pagiging MALAYA.... Ngunit di ba ang sabi nga ng iba "Laging tandaan ang tunay at lehitimong DEMOKRASYA ay makakamit lang kung ang taong bayan ay may PAGKAKAISA at huwag MAGSAMANTALA". Ngayon nga ay limot ko na kung ano nga ang ibig sabihin ng DEMOKRASYA pero ako'y di pa rin nawawalan ng pag asa na itoy muling MADADAMA. Siguro nga ay napapanahon na na tayong lahat ay MAGKAISA para sa DEMOKRASYA tayo'y MAKILAHOK na!.


Powered By Blogger