DEMOKRASYA
Maraming salamat kay Joey Ayala sa pag papaalala na sa darating na a kinse ng setyembre taong kasalukuyan ay dineklara ng UN ang araw na ito para araw ng "DEMOKRASYA".
Tanong ni Joey Ayala (Sa kanyang pahina sa Facebook. 09-08-09),
Joey Ayala: Ano sa iyo ang DEMOKRASYA? Isabuhay mo na!
Joey Ayala: Para sa akin ang DEMOKRASYA, ay PAKIKILAHOK.
Kalabaw: Demokrasya.... hmm..... kay sarap pakingan ngunit ang hirap makamtan.... naalala ko pa noong nakaraan itoy taong mil nueve syentos otsenta y' sais buwan ng pebrero... dito nadama ko ang tunay na pagkakaroon ng DEMOKRASYA, pero ano bat itoy bigla ding nawala... Ano nga ba ang tunay na DEMOKRASYA at bakit itoy ipinag kakaila lalong lalo na sa ating sabik sa pagiging MALAYA.... Ngunit di ba ang sabi nga ng iba "Laging tandaan ang tunay at lehitimong DEMOKRASYA ay makakamit lang kung ang taong bayan ay may PAGKAKAISA at huwag MAGSAMANTALA". Ngayon nga ay limot ko na kung ano nga ang ibig sabihin ng DEMOKRASYA pero ako'y di pa rin nawawalan ng pag asa na itoy muling MADADAMA. Siguro nga ay napapanahon na na tayong lahat ay MAGKAISA para sa DEMOKRASYA tayo'y MAKILAHOK na!.