Party List sa Kongreso
Paty List..... hmm..... para kanino nga ba ito?
Ngayong na sa ika-14 na kongreso (2007-2010) sa unang pagkakataon ay pinayagan na magkaroon ng boses ang mga pangkaraniwang mamamayan na sila ay mairepresenta sa mababang kapulungan sa pamamagitan ng "PARTY LIST", Pero ano ito bakit napapansin ko at ng iba ko pang kakilala na tila yata na-bahiran na din ng tradisyonal na pamumulitika ang mga ito (Party list group).
Ano ba talaga ang batayan upang ang isang Party List ay maging karapat dapat na makasali/makalahok sa mababang kapulungan? at kung palarin naman na manalo ang isang grupo/party list ay ano naman ang kriterya na kinakailangan para maging representante ng kanilang kinasasapian na grupo/party list? kailangan ba na may kasapi sila na pulitiko na gustong makapwesto? di kaya ginagamit na din ito para sa madaliang makapwesto sa mababang kapulungan ang sino mang pulitko na gusto rin makihalubilo sa "Pork Barrel"?
Sana naman ay maging malinaw na ito sa mga gaya ko na nag tatanong kung talaga bang para ito sa mga simpleng mamamayan o isang paraan ng mga pulitiko na gustong mag ka pwesto sa kongreso ng madalian, bakit ika ninyo kasi nga sa dinami dami ng mga party list na nag susuong ng kanilang mga adhikain sa kongreso ay bakit di mawala wala ang mga trapo sa likod ng mga ilan dito (di ko na siguro kailangan pang mag bigay ng halimbawa kung sino man sila kasi napaka obyus naman kung sino-sino mga ito.... di ba.), ano nga ba comelec?
Palagay ko kinakailangan na nga na ma amiendahan na ang "Party List Law" para naman magkaroon ng tunay na pag representa sa mga mamayanan ng ating bayan.