Wala lang..........
Ayun na nga! hay nako tapos na ang boksing.... este eleksyon pala, noong nakaraang a tres ng Mayo ako bumoto dito sa Saipan bilang Absentee Voter at syempre meron din akong manok (kala nyo kayo lang.....) obyus naman kung sino sya di ba anyways napaka dali talaga ng pag boto dito kasi nga pupunta ka lang sa pinaka malapit na Phil. Embassy or Consulado eh madali mo nang magagawang bumoto so yun na nga although yung sinaunang style pa din naman ang pag boto ko dito (di gaya ng dyan sa Pinas na "Automated" na) eh naging ok din naman. Medyo madami-dami din naman akong nakasabay na bumoto dito at take note talagang napaka kukulit pa din naman ng karamihan sa mga kababayan natin dito nandyan yung mga nag papatawa, nagagalit at napakaraming question sa mga staff ng kunsulado, at syempre meron pa din namang mga tahimik lang at minding their own bussiness ika nga. pagkatapos kong bumoto ay binalikan ko yung mga listahan ng mga botante at napansin ko na may mga ka apelyido pala ako na nandito din sa Island pero di ko lang sure kung kamag-anakan ko sila o simpleng ka apelyido ko lang sila dahil wala naman akong natatandaan na sinabihan ako ng tatay ko na may mga kamag anak kami dito.
Teka ano nga ba ang susunod na dapat nating gawin matapos nga ang eleksyon at naiproklama na ang bagong pangulo? ako siguro ganon pa din pero titiyakin ko na kahit papano ay may mai contribute ako. Well ngayon nga dito lang ako sa bahay at walang trabaho pero teka meron nga pala he he he.... ako nga pala ang yaya ng anak kong bunso, sa buong mag hapon wala akong ginawa kundi ang makipag kulitan sa kanya pero syempre may mga oras din na niinis ako sa kanya lalo na pagka ayaw nya ng pagkain na niluto ko gaya nga ngayon nag prito ako ng manok at akala ko nga magugustuhan nya. Isa lang naman ang alam ko na gusto nya at ito nga ay kahapon pa nya kinukulit sa akin....... ano pa eh di Mcdonalds ano pa nga ba magagawa ko eh di pagbigyan na lang hilig nya para lang makakain kaya nga minamadali ko ng tong post ko para makaalis na.
So yun kakatapos ko lang manghalian at mag ready na para magpunta sa Mcdo at nang matapos na ang kakulitan ng anak ko. teka ano nga pala yung sinabi ko kanina?..... hmm.... ahh oo nga pala mabalik tayo doon sa mga dapat na gagawin pagkatapos ng eleksyon. Siguro nga dapat ay maging aware na tayo sa mga magiging desisyon natin at dapat na din na mag gawa tayo ng hakbang para naman di tayo maging pabigat sa gobyerno natin kasi sa pag kakaalam ko ay malaki bahagi din tayo kung bakit ang gobyerno natin ay nagiging palpak at tayo din ang nag bibigay sa kanila ng motibo para maging "Corrupt"! dapat tuluyan na nating itigil ang "RED TAPE" kasi ito ang isa sa pinaka malaking dahilan kung bakit nag kakaroon ng Corruption kung walang magbibigay/lalagay eh di mababawasan na ito.
Ok sige so ano para na naman akong nag sesermon sa mga bata nito pero siguro sa inyong own little way eh may magagawa din kayo pero for now dapat nating or dapat tayo din ay ganap na maging tunay na simuno sa tunay at lehitimong pag babago na ating laging hinahanap.