Archives

gravatar

My|phone QT23 Duo

Wow di na tagala tayo nadedehado pag dating sa technology akalain nyo meron na din tayong version ng  Blackberry smart phone.

My|phone has evolve already kung noong una ay di pinapansin ang cellphone na to ngayon naman ay sobrang indemand na ganon ka bilis ang pag angat ng teleponong ito. nagsimula sila sa pagiging anino lang ng mga china phones at ng lumaon ay sumikat na din, dahil nga siguro nung ilabas nila yung Pinoy phone na slogan then sinundan pa ng pag labas ng Ninoy & Cory Aquino phone tapos bigla na lang tumaas ang antas nitong company na nag labas ng telepono. kabi-kabila ang mga nakikita ko na nagamit ng teleponong ito na bukod nga naman sa gawang pinoy eh ito ay dual sim capable pa (Weather Globe and Smart o Sun sim pwedeng pagsabayin).

Ngayon naman may balita ako na nakagawa sila ng isang limited edition na dedicated sa bagong pangulo natin at ito nga daw ay ilalabas by next week, if i'm not mistaken base ito sa Q22 nila na gaya ng Ninoy & Cory Aquino edition at idagdag pa nila ang mga pangyayari mula ng si P-Noy ay nagsimula sa pag aanunsyo ng kanyang kandidatura sa panguluhan hangang sa sya nga ay ideklara na pangulong halal.

Hmm... pero teka ano to! isa na namang model ang kanilang inilabas at ohh yeah.... talagang parang Blackberry na (Minus the WiFi capability though). ito ay ang QT23 o Qwerty Trackball 23. Sa looks and style di ito nalalayo sa ibang mga sikat na telepono na nag labas ng qwerty fone.

            
                     Specs and features:


Ayos di ba! so para sa akin ok to well with out the WiFi capability nga lang pero price (Php4,600.00) wise and with that features and specs ok na ok at higit sa lahat naka tulong pa tayo sa ekonomiya natin dahil nga sa gawang atin to.

(Photos courtesy of my|phone.com.ph)

gravatar

Malaya na nga ba tayo?

Ito ay pagsasaawit ng isang tula ni Andres Bonifacio. Ang tula'y nagsimulang lumaganap
noong kasalukuyang nakikidigma ang sambayanang Pilipino laban sa Kolonyalismong Espanyol.
Nilapatan ito ng musika sa Bicutan Rehabilitation Center noong 1978.

Pag-ibig sa tinubuang lupa

Pasakalye: Am - F - E (2x)
A
Am
ling pag-ibig pa
E
ang hihigit kay
Am
a
Sa pagkada
G
lisay
G7
at pagkada
C
kila
Gaya ng pag-
E7
ibig sa tinubuang l
Am
upa
Aling pag-ibig
F-Dm
pa? Wala na nga, wala
E
.
Walang mahala
Am-E
gang hindi inihando
Am
g
Ng may pusong waga
G-G7
s Sa bayang nagkup
C
kop,
Dugo, yaman, dun
E7
ong, katiisa't pa
Am
god
Buhay ma'y a
F-Dm
buting magkalagut-lagot
E7
.
Ang nakara
F
ang panahon ng al
C
iw
Ang inaa
G
sahang araw na darat
C-E7
ing
Ng pagkati
F
mawa ng mga al
C
ipin
Liban pa sa bay
G-G7
an, saan tatanghali
C-E7
n?
Sa aba ng ab
F
ang mawalay sa
C
bayan
Gunita ma'y
G
laging
G7
sakbibi ng lum
C-E7
bay
Walang alaa
F
la't inaasam-a
C
sam
Kundi ang mak
G
ita'y
G7
lupang tinub
C   E7
uan.
Kayong nala
Am
gasan
E
ng bunga't bulak
Am
lak
Kahoy niyaring b
G
uha
G7
y na nilanta't s
C
ukat
Ng bala-ba
E7
laki't makapal na hi
Am
rap
Muling mana
F
riwa't
Dm
sa baya'y lumiya
E7
g.
Ipakahandug-han
Am E
dog ang buong pag-i
Am
big
Hanggang sa may dugo
G  G7
'y ubusing it
C
igis
Kung sa pagtatanggo
G7
l buhay ay kapali
Am
t.
Ito'y kapa
F
lara
Dm
n at tunay na l
E7
angit.
Aling pag-ibig
F
pa ang hihigit kay
C
a
Sa pagkada
G-G7
lisay at pagkadak
C-E7
ila
Gaya ng pag-
F
ibig sa tinubuang l
C
upa?
Aling pag-ibig
G-G7
pa? Wala na nga, w
C-E7
ala
Gaya ng pag-
F
ibig sa tinubuang l
C
upa
Aling pag-ibig
G-G7
pa? Wala na nga, wa
F Fm C
la.


----------------------------------------------------------------------------------------------------------

Gat Andres Bonifacio, Unang pangulo ng Pilipinas


Ayon sa aking sariling pag research sa buhay ni Gat Andres Bonifacio di lang pala sya ang dapat na National Hero, kundi dapat din na ma recognize sya as the first President of the Republic.

He founded the secret society, Katipunan, on July 7, 1892, to fight Spain. He was also president of the Tagalog republic from August 24, 1896 to May 10, 1897.( http://park.org/Philippines/centennial/heroes01.htm )

So sa palagay ko nga na dapat ika 16 na si P. Noy at di ika 15. According din sa research ko ( Kampanya para sa Kamalayan sa Kasaysayan )  may mga nagsusulong na din na maging ganap o ma i korek ang mga mali sa ating kasaysayan at isa na nga ito sa mga pangunahing dapat na mabago.

Sana naman magkaron na to ng saysay para naman ang mga maling naituro sa atin ay ma-itama na.

Note: Opinion ko at ayon ito sa aking na research at walang ano mang ibig sabihin o walang copyright infringement na ginawa.

gravatar

Mga Tanong......? Gov't Workers Union..........

Bacuñgan, Froilan M. "The right to self-organization of government employees under the 1987 Constitution."Philippine labor Review 1 (January-June 1987), 11: 11-18.


 May mga katanungan ako sa aking makitid na pag iisip kung ano nga ba ang mga karapatan ng mga empleyado ng gobyerno sa ating bansa, so eto nga at ako ay nag internet research at ang aking unang napuntahan ay ang website ng Filipiniana.net and dito nga ay nabasa ko at naintindihan ko na ang mga kawani ng gobyerno sa ating bansa ay may karapatan na mag tayo ng isang union (1987 constitution).

Ngayon sa aking mga katanungan.........

1. Ano nga ba talaga ang papel ng workers union sa Pilipinas lalo na sa isang departamento o sangay ng gobyerno?

2. May karapatan ba ang Lider o Pinuno ng workers union na mag "baker" o mag backup sa isang empleyado para tumaas ang kanyang rango?

3. Ilang taon ba ang termino ng isang pinuno ng isang union?

4. Kailangan ba na malakas ang isang emplayado sa lider o pinuno ng isang union para sa pangsarili nilang intensyon?

5. Anu-ano nga ba talaga ang papel ng isang lider o pinuno ng workers union sa mga myembro nito?

Ang mga ito ay ilan lang sa mga katanungan ko na gusto ko sana na masagot ng kahit na sinong tao, kabayan ko o may tamang kaalaman pag dating sa ganitong usapan. May mga estorya kasi akong nasagap na sa isang sangay ng ating gobyerno ay mayroong ganitong mga pangyayari na ang isang empleyado o kawani ng gobyerno sa ating bansa ay walang pakundangan na pinagkakalat na sya ay (Ayun sa kanya...) malakas sa lider o pinuno ng kanilang union kung kaya daw sya ay parang ROCKET na makakaakyat mula sa mababang rango patungo sa ikatlong hakbang ng pag taas ng rango sa isanang PROMOTION.

Sa pagka ka-alam ko ang empleyadong ito naman ay karapat-dapat sa ganun na rango pero bakit kailangan pa na ipagsigawan o ipagmalaki nya sa kanyang mga kasamahan na sya ay bi-nakpakan ng lider ng kanilang union ng kanilang opisina? at bakit din kaya nung sya (Ang empleyado) ay nagsimula sa opisinang ito ay di nya agad nakuha ang dapat na sana'y rango na nya at kinailangan pa na may baker pa sya para lang sya ay tumaas (di lang isang antas pero tatlong antas pataas pa)?

Ano sa palagay nyo? tama ba to o masyado lang akong nagiging papansin? ...................... pero sa totoo lang ha dapat siguro ay may makapansin nito para naman sa kapakanan ng mga kawawang mga kaswal na empleyado na medyo matagal tagal na ding di na reregular sa kanilang trabaho na sya namang dapat na pag tuunan ng pansin ng lider o pinuno ng kanilang union o ang mga empleyado na karapat-dapat na mabigyan ng nararapat na promosyon, Di ba?

Bato-bato sa langit ang tamaan......................... KUNSENSYA MO NA YAN!!!

note:
Opinyon at katanungan ko lang ang mga isinulat ko at ito ay isang karapatan ko bilang blogger na maisaad ko ang aking saloobin at bilang pag puna na din sa mga nakikita ko at na e-experience sa araw-araw.

gravatar

Lipat dito, lipat doon....

President Benigno "Noynoy" C. Aquino III
hep hep teka muna bago ang lahat congrats sa ating bagong Pangulo.... Benigno "Noynoy" C. Aquino, Sana naman eh bigyan mo ng halaga ang mga paghihirap na binigay namin na sumuporta sa yo... ang ibig kong sabihin e sana wag kang bibitaw sa mga pangako mo kasi naniniwala kami na may magagawa ka sa mga pag babago na gusto ng mga kababayan natin at sabi nga ni Juana Change "Noy pag naging trapo ka at marami kang kapalpakan eh PIPITPTIN NAMIN BAYAG MO!" bwahahaa...... kidding aside Mr. President sana talagang pagbutihin mo ang pag lingkod sa Bayan at sa aming iyong mga kababayan. 

So eto na medyo busy ako sa pag iimpake ng mga gamit kasi nga lilipat na kami ng bahay (Apartment), nag time out lang ako para mag post since medyo natagalan ako ng pag sulat dito sa walang kwenta kong blog (he he he....). abangan na lang natin ang mga susunod kong kwento kung ano ang tunay na dahilan kung bakit kami lilipat ng bahay kasi medyo mahaba eh saka isa pa nag time out nga lang muna sa pag liligpit ng mga gamit namin.

ok abangan na lang siguro baka sa a uno or a dos na ng hunyo ako mag update dito at sasamahan ko pa ng mga piktyur....

babay!!

gravatar

Wala lang..........

Ayun na nga! hay nako tapos na ang boksing.... este eleksyon pala, noong nakaraang a tres ng Mayo ako bumoto dito sa Saipan bilang Absentee Voter at syempre meron din akong manok (kala nyo kayo lang.....) obyus naman kung sino sya di ba anyways napaka dali talaga ng pag boto dito kasi nga pupunta ka lang sa pinaka malapit na Phil. Embassy or Consulado eh madali mo nang magagawang bumoto so yun na nga although yung sinaunang style pa din naman ang pag boto ko dito (di gaya ng dyan sa Pinas na "Automated" na) eh naging ok din naman. Medyo madami-dami din naman akong nakasabay na bumoto dito at take note talagang napaka kukulit pa din naman ng karamihan sa mga kababayan natin dito nandyan yung mga nag papatawa, nagagalit at napakaraming question sa mga staff ng kunsulado, at syempre meron pa din namang mga tahimik lang at minding their own bussiness ika nga. pagkatapos kong bumoto ay binalikan ko yung mga listahan ng mga botante at napansin ko na may mga ka apelyido pala ako na nandito din sa Island pero di ko lang sure kung kamag-anakan ko sila o simpleng ka apelyido ko lang sila dahil wala naman akong natatandaan na sinabihan ako ng tatay ko na may mga kamag anak kami dito.


Teka ano nga ba ang susunod na dapat nating gawin matapos nga ang eleksyon at naiproklama na ang bagong pangulo? ako siguro ganon pa din pero titiyakin ko na kahit papano ay may mai contribute ako. Well ngayon nga dito lang ako sa bahay at walang trabaho pero teka meron nga pala he he he.... ako nga pala ang yaya ng anak kong bunso, sa buong mag hapon wala akong ginawa kundi ang makipag kulitan sa kanya pero syempre may mga oras din na niinis ako sa kanya lalo na pagka ayaw nya ng pagkain na niluto ko gaya nga ngayon nag prito ako ng manok at akala ko nga magugustuhan nya. Isa lang naman ang alam ko na gusto nya at ito nga ay kahapon pa nya kinukulit sa akin....... ano pa eh di Mcdonalds ano pa nga ba magagawa ko eh di pagbigyan na lang hilig nya para lang makakain kaya nga minamadali ko ng tong post ko para makaalis na.

So yun kakatapos ko lang manghalian at mag ready na para magpunta sa Mcdo at nang matapos na ang kakulitan ng anak ko. teka ano nga pala yung sinabi ko kanina?..... hmm.... ahh oo nga pala mabalik tayo doon sa mga dapat na gagawin pagkatapos ng eleksyon. Siguro nga dapat ay maging aware na tayo sa mga magiging desisyon natin at dapat na din na mag gawa tayo ng hakbang para naman di tayo maging pabigat sa gobyerno natin kasi sa pag kakaalam ko ay malaki bahagi din tayo kung bakit ang gobyerno natin ay nagiging palpak at tayo din ang nag bibigay sa kanila ng motibo para maging "Corrupt"! dapat tuluyan na nating itigil ang "RED TAPE" kasi ito ang isa sa pinaka malaking dahilan kung bakit nag kakaroon ng Corruption kung walang magbibigay/lalagay eh di mababawasan na ito.
Ok sige so ano para na naman akong nag sesermon sa mga bata nito pero siguro sa inyong own little way eh may magagawa din kayo pero for now dapat nating or dapat tayo din ay ganap na maging tunay na simuno sa tunay at lehitimong pag babago na ating laging hinahanap.


Powered By Blogger