Mga Tanong......? Gov't Workers Union..........
Bacuñgan, Froilan M. "The right to self-organization of government employees under the 1987 Constitution."Philippine labor Review 1 (January-June 1987), 11: 11-18.
May mga katanungan ako sa aking makitid na pag iisip kung ano nga ba ang mga karapatan ng mga empleyado ng gobyerno sa ating bansa, so eto nga at ako ay nag internet research at ang aking unang napuntahan ay ang website ng Filipiniana.net and dito nga ay nabasa ko at naintindihan ko na ang mga kawani ng gobyerno sa ating bansa ay may karapatan na mag tayo ng isang union (1987 constitution).
Ngayon sa aking mga katanungan.........
1. Ano nga ba talaga ang papel ng workers union sa Pilipinas lalo na sa isang departamento o sangay ng gobyerno?
2. May karapatan ba ang Lider o Pinuno ng workers union na mag "baker" o mag backup sa isang empleyado para tumaas ang kanyang rango?
3. Ilang taon ba ang termino ng isang pinuno ng isang union?
4. Kailangan ba na malakas ang isang emplayado sa lider o pinuno ng isang union para sa pangsarili nilang intensyon?
5. Anu-ano nga ba talaga ang papel ng isang lider o pinuno ng workers union sa mga myembro nito?
Ang mga ito ay ilan lang sa mga katanungan ko na gusto ko sana na masagot ng kahit na sinong tao, kabayan ko o may tamang kaalaman pag dating sa ganitong usapan. May mga estorya kasi akong nasagap na sa isang sangay ng ating gobyerno ay mayroong ganitong mga pangyayari na ang isang empleyado o kawani ng gobyerno sa ating bansa ay walang pakundangan na pinagkakalat na sya ay (Ayun sa kanya...) malakas sa lider o pinuno ng kanilang union kung kaya daw sya ay parang ROCKET na makakaakyat mula sa mababang rango patungo sa ikatlong hakbang ng pag taas ng rango sa isanang PROMOTION.
Sa pagka ka-alam ko ang empleyadong ito naman ay karapat-dapat sa ganun na rango pero bakit kailangan pa na ipagsigawan o ipagmalaki nya sa kanyang mga kasamahan na sya ay bi-nakpakan ng lider ng kanilang union ng kanilang opisina? at bakit din kaya nung sya (Ang empleyado) ay nagsimula sa opisinang ito ay di nya agad nakuha ang dapat na sana'y rango na nya at kinailangan pa na may baker pa sya para lang sya ay tumaas (di lang isang antas pero tatlong antas pataas pa)?
Ano sa palagay nyo? tama ba to o masyado lang akong nagiging papansin? ...................... pero sa totoo lang ha dapat siguro ay may makapansin nito para naman sa kapakanan ng mga kawawang mga kaswal na empleyado na medyo matagal tagal na ding di na reregular sa kanilang trabaho na sya namang dapat na pag tuunan ng pansin ng lider o pinuno ng kanilang union o ang mga empleyado na karapat-dapat na mabigyan ng nararapat na promosyon, Di ba?
Bato-bato sa langit ang tamaan......................... KUNSENSYA MO NA YAN!!!
note:
Opinyon at katanungan ko lang ang mga isinulat ko at ito ay isang karapatan ko bilang blogger na maisaad ko ang aking saloobin at bilang pag puna na din sa mga nakikita ko at na e-experience sa araw-araw.