Archives

gravatar

Eto na.... Tumulong na..... Kalimutan muna ang lahat ng kung ano....

Ito po ay galing sa pahina ni Bb. Gang Badoy sa Facebook , Sila po sa Rock Ed Philippines ay nakausap na mismo ni Sec. Cabral ng DSWD.




IF YOU ARE AN INDIVIDUAL --- Kindly email radio@rockedphilippines.or
g or info@rockedphilippines.org your name, contact number and available time shifts you can commit to. Or leave a message here on this post. Pls indicate if you need transportation - we can probably match pick up points or carpooling.

IF YOU HAVE A CLUB/ ORG/ BIBLE STUDY GROUP/ YOGA GROUP/ WHATEVER CLUB/ JAYCEES/ ROTARY/BARKADA/ OFFICE DEPARTMENT/ SCHOOL VARSITY TEAM or BARKADA ---any group that can actually commit 10 or more people for one night -- please send one collective email lang with all your names and identify your group leader to radio@rockedphilippines.org or info@rockedphilippines.org - or leave a message here on this post....and tell us the specific time and day your group can come. (I highly encourage this manner so that makes it easier for us to coordinate sched and you get to work with people you already know.)

IF YOU HAVE A BUS OR A VAN SERVICE THAT YOU CAN LEND FOR TRANSPO OF VOLUNTEERS FROM PICK UP POINTS IN QC, PASIG AND MAKATI TO PASAY - please email mike@rockedphilippines.org or info@rockedphilippines.org so we can coordinate the carpooling if needed.

IF YOU HAVE A TRUCK/VAN/DELIVERY PICK UP WILLING TO LEND TO DEPLOY BGY RELIEF PACKS -email sheila@rockedphilippines.org or may@rockedphilippines.org or mike@rockedphilippines.org

IF YOUR BARKADA IS WILLING BUT WILL NEED HELP WITH TRANSPO/ TRANSPO ALLOWANCE PLEASE EMAIL ME DIRECTLY - WAG MAHIHIYA- KAILANGAN NAMIN KAYO AT WILLING KAMING MANUNDO!! gang@rockedphilippines.org - hihingi tayo sa mga taong willing magdonate ng pamasahe ng mga studyante. :)

IF YOU HAVE NO TIME BUT HAVE EXTRA CASH - PLEASE DONATE SO WE CAN ARRANGE FOR SAFE AND EFFICIENT TRANSPO FOR STUDENTS TO AND FROM SCHOOL TO WAREHOUSE AND BACK. email me directly: gang@rockedphilippines.org or deposit to:

ROCK ED PHILIPPINES
BPI 3080-0073-44
Katipunan-Loyola Branch

Then msg Ms. Gang Badoy of Rock Ed Philippines the date of deposit and amount if you need an O.R. from Rock Ed.

For additional info: 0917-7346742 or visit Rock Ed Philippines website.

Sana po ay magtulong tulong tayo para sa ika bubuti ng ating bansa. 

MABUHAY ang Rock Ed Philippines!

gravatar

Ano kaya ang tunay na dahilan nila (DSWD)?




Nakakatawa talaga ang mga pangyayari.... biruin nyo ngayon ang may kasalanan pa eh yung pumuna sa DSWD..... bwahahaha.... hay nako...." onli in da Pilipins " ika nga... ano nga kaya kung walang pumuna sa kanila (DSWD) ..... hmmm?............ hmm... ulit...... kung wala si Ate Ella..... malamang sa malamang isa na naman itong magiging hidden agenda........ ano sa palagay nyo? basta ako opinion ko lang ito ha at wag nyo ko idedemanda at takot dyan....

Anyways sana naman nga eh tuluyan ng maipamahagi na sa mga biktima ng kalamidad ang relief goods na yan para naman mapakinabangan nila dahil ngayon siguro hirap na hirap na sila sa kanilang siwasyon tapos dadagdag pa ang mga ganitong senaryo.

Pero ako nag papasalamat sa kay Ate Ella,  dahil kung walang nakapansin eh wala na nga siguro nangyari...

Ang kasabihan.... BOW:

Mahirap talagang maghanap ng hindi tumitingin, Pero mas lalong mahirap pag nag bubulag bulagan.

gravatar

Mike Swift & J-Hon

gravatar

Buhay abroad

Limang buwan makalipas ng kami ng pamilya ko ay tumongo dito sa Saipan para sa "Tour of duty" ng aking may bahay. Magkahalong lungkot at ligaya ang aking naramdaman, Lungkot dahil sa mga naiwan ligaya naman dahil sa buo kami ng aking pamilya. Di na lingid sa akin ang ganitong pag byahe dahil sa ito'y ika lawa ng "Assignment" ng aking asawa.

Dito sa Saipan ay talagang kakaiba.... bakit ika nyo, isto'y sa dahilang ang lugar na ito ay napaka tahimik, mabagal ang takbo ng buhay ngunit napaka ganda ng tanawin at napaka linis at lamig ng simoy ng hangin. Ang isang hinahanap hanap ng mga dalaga ko ay ang mga "Malls" at ingay ng mga sasakyan. dito din ay organisado ang mga tao lalong lalo na ang "Filipino Community".

Para sa akin ay may halong lungkot sa tuwing makikita ko ang baybayin ng dagat ako ay naiingit...... naiingit na sana ay ang manila bay sana ay ganito din kaganda, kalinis at kaayos. wala kang makikita dito na iyong ipipintas sa kanila bagkus ay hahanga ka pa. Ang mga lokal dito ay mga "Carolinian" at "Chamorros", Hindi sila ganoong ka friendly pero ok lang kasi naman nga eh halos ang nag papatakbo ng ekonimiya dito ay mga kabayan natin.

Masaya at maganda ang samahan dito ng mga Pilipino, pag may pag kakataon makikita mo sila sa dalampasigan lalong lalo na pag weekend. Sila ay nag o organisa ng sports activity gaya ng Bowling, Basketball, Badminton... at kung ano ano pa.

Kung tutuusin napaka sarap manirahan dito ngunit talagang may kirot pa rin ng pag ka lungkot dahil nalayo na naman ako sa ating bayan. Miss ko na ang trapik, fishball, amoy ng basura, lugaw ni aling choleng, ingay ng tao at pati na din ang political scene. Iba pa rin ang ating bansa lalo na kung ito'y ating aalagaan at aayusin.

Nakakainip dito pero i make it a point na di ko iparamdam ito sa aking pamilya. nililibang ko na lang ang aking sarili sa pakikipag laro sa bunso ko at sa pag iinternet. ang laki ng kaibahan nitong lugar na ito sa unang bansang aming tinirahan (Kuala lumpur Malaysia) kung ano ang pagiging advance nila ay sya namang kabiligtaran dito pero ok na din dahil malaking tulong din naman ito sa aking pamilya pag katapos ng anim na taon, buti na lang at may Pnoy tv at TFC dito kaya kahit papaano ay nakakabalita pa din ako tungkol sa ating bansa.

Sa susunod kong pag sulat dito sa pahina ko ay iku kwento ko naman sa inyo ang iba ko pang pinag kaka-abalahan namin dito.

gravatar

O aming Inang kalikasan.....



Eto na nga ba ang aking kinatatakutan, unti unti nang aking nararamdaman.
mga pag kakasala na aking nagawa noong nakaraan hangang sa kasalukuyan,
oo tama nga kayo hangang sa kasalukuyan.

Aminado ako na ako'y isa sa mga salarin kung bakit sya ay nag umigting at
tayoy pinatikim. kailangan pa pala na libu-libong tao ang maiipit at daan-daan din ay syang kinitil. Sa mga tubig baha, putik at dumi na aking nakita ito may sa kapuso o maging sa kapamilya iisa lang ang mukha at ayos na bumulaga.

Mga kapwa kong Pilipino bakit nga ba ganito di ba natin naisip na tayo din ang may gawa at sala nito. wag na tayong manisi bagkus ay mag isip upang sa susunod na henerasyon itoy di na muling umulit.

Bangon kabayan ko di pa naman ito huli, Wag ka ng magalit o magtanim pa ng pait.
Halina at sama sama na nating baguhin ang ating ugali, Basurang dati'y kung saan saan lang inihahagis ay atin ng ipunin at sa tamang lugar doo'y sunugin.

Magkapit bisig para sa ilog Pasig ito din ay isang paraan tungo sa malinis na bayan. Mga kabundukang kinalbo, ati'y muling tamnan upang ang tubig baha at putik na rumaragasa ay di na sa atin pang muli'y dumaan.

Aming inang kalikasan sana po'y iyong dingin, tiklop tuhod na humihingi ng tawad sa aming nakagawian. Nangangako po ako na ito'y di na muling uulitin at pipilitin ko po na ako'y maging ehemplo di lamang sa aking mga "Tsikiting" mgunit pati na din po sa aking pamayanan at mga kapatid.

Gising KABAYAN!


Powered By Blogger