gravatar

Buhay abroad

Limang buwan makalipas ng kami ng pamilya ko ay tumongo dito sa Saipan para sa "Tour of duty" ng aking may bahay. Magkahalong lungkot at ligaya ang aking naramdaman, Lungkot dahil sa mga naiwan ligaya naman dahil sa buo kami ng aking pamilya. Di na lingid sa akin ang ganitong pag byahe dahil sa ito'y ika lawa ng "Assignment" ng aking asawa.

Dito sa Saipan ay talagang kakaiba.... bakit ika nyo, isto'y sa dahilang ang lugar na ito ay napaka tahimik, mabagal ang takbo ng buhay ngunit napaka ganda ng tanawin at napaka linis at lamig ng simoy ng hangin. Ang isang hinahanap hanap ng mga dalaga ko ay ang mga "Malls" at ingay ng mga sasakyan. dito din ay organisado ang mga tao lalong lalo na ang "Filipino Community".

Para sa akin ay may halong lungkot sa tuwing makikita ko ang baybayin ng dagat ako ay naiingit...... naiingit na sana ay ang manila bay sana ay ganito din kaganda, kalinis at kaayos. wala kang makikita dito na iyong ipipintas sa kanila bagkus ay hahanga ka pa. Ang mga lokal dito ay mga "Carolinian" at "Chamorros", Hindi sila ganoong ka friendly pero ok lang kasi naman nga eh halos ang nag papatakbo ng ekonimiya dito ay mga kabayan natin.

Masaya at maganda ang samahan dito ng mga Pilipino, pag may pag kakataon makikita mo sila sa dalampasigan lalong lalo na pag weekend. Sila ay nag o organisa ng sports activity gaya ng Bowling, Basketball, Badminton... at kung ano ano pa.

Kung tutuusin napaka sarap manirahan dito ngunit talagang may kirot pa rin ng pag ka lungkot dahil nalayo na naman ako sa ating bayan. Miss ko na ang trapik, fishball, amoy ng basura, lugaw ni aling choleng, ingay ng tao at pati na din ang political scene. Iba pa rin ang ating bansa lalo na kung ito'y ating aalagaan at aayusin.

Nakakainip dito pero i make it a point na di ko iparamdam ito sa aking pamilya. nililibang ko na lang ang aking sarili sa pakikipag laro sa bunso ko at sa pag iinternet. ang laki ng kaibahan nitong lugar na ito sa unang bansang aming tinirahan (Kuala lumpur Malaysia) kung ano ang pagiging advance nila ay sya namang kabiligtaran dito pero ok na din dahil malaking tulong din naman ito sa aking pamilya pag katapos ng anim na taon, buti na lang at may Pnoy tv at TFC dito kaya kahit papaano ay nakakabalita pa din ako tungkol sa ating bansa.

Sa susunod kong pag sulat dito sa pahina ko ay iku kwento ko naman sa inyo ang iba ko pang pinag kaka-abalahan namin dito.


Powered By Blogger