gravatar

Remembering Ninoy...


How time really flies and i was thinking..... Ilang taon na nga ba since nung pinaslang si Ninoy?......... akoy napatigil napa isip..... mahigit sa dalawampung taon na pala (26 years to be exact.) napatigil akong muli at nag isip.... may nabago na ba?.... Hmmm.... Ilang beses akong nag palingalinga at muling nag isip..... Parang nung ipinarada yung bangkay ni Ninoy ko lang nakita na may nag bago sa Pilipinas at sa mga Filipino... Tinanong ko ang sarili ko kung ano... Ano nga ba ang mayroon noong mga araw na iyon.

Taong 1983 akoy nasa ika lawang taon ng aking pag aaral sa high school tila napaka bata ko pa noon at walang kamuwang muwang sa mga nangyayari pero naging mapag masid ako at mapag tanong sa mga naka paligid sa akin. Ang unang tinanong ko ay ang tyuhin ko na si Atty. Nestor M. Maralit,

Neil: Tito Ness bakit ba ganito ang nangyayari sa ating bansa? bakit laging may rally? at sino si Ninoy?

Sagot ng tyuhin ko sa akin:

Nestor: Hay nako napaka bata nyo pa para sa ganito pero sige, Noong Setyembre a onse 1971 ay nag simula ang lahat. ideneklara ni Marcos ang "Martial Law" dahil daw sa walang humpay na kaguluhan na nangyayari daw sa ating bansa napak "Unctrolable" na daw ng mga Filipino kung kayat kamay na bakal daw ang solusyon. nag umalma ang oposisyon at pati na din ang taong bayan dahil sa walang humpay na pag aresto ng basta basta ng militar sa kanila dahil lamang sa pag tutol nila sa mga alituntunin ni Marcos, isa na dito ang magiting na si Benigno "Ninoy" S. Aquino kasama ng mga nasa partidong "Liberal" isa isa at unti unti din silang lumalaban kay Marcos ngunit isang araw isa isa din silang pinag dadampot ng mga sundalo na nouy napaka makapangyarihan dahil na din sa pag uutos ni Marcos. ilang taon din silang na kulong at pati mga Filipino na negosyante na tumutulong sa opsisyon ay pinag huhuli din ibig sabihin lahat ng mag bitiw ng salitang hindi maganda sa pamahalaan lalong lalo na sa pangalan ni Marcos ay agad itong ipinahuhuli at pinakukulong.... ng ganun lang... pero sa lahat ng mga lumaban kay Marcos ay itong si Ninoy lang ang hindi tumigil sa pag batikos sa kanya kahit na sya pa ay nakakulong na ay ganun pa din so itong si Marcos ay parang napapahiya na sa buong mundo di lamang dito sa Pilipinas pati sa ibang bansa partikular na sa Amerika na alam naman nating numero unong taga pag tangol ni Marcos. so sa madalit salita lalong nag umigting ang galit ng mga Filipino kaya ayun halos araw araw ay may rally pero may takot na din sila kasi nga dahil sa pinaiiral na batas militar. kaliwat kanang mga pang aabuso ang ginawa ng militar merong ng rape, nangugulpe, at nangugulo sa mga establisimento. Ang sabi naman ni Marcos ay mas umigi daw ang ating bansa dahil sa "Martial Law" pero sa tingin ko eh wala din ganon pa din mahirap pa din ang bansa ang mga nakikinabang lang ay ang mga nasa gobyerno nya (Marcos).

Nestor: So yun na nga balikan natin si Ninoy, gaya nga ng nasabi ko itong si Ninoy ay napaka tapang talagang di sya tumigil hangat di nya nasasabi ang gusto nya para sa ating bayan na taliwas naman sa mga alituntunin ni Marcos. ang isang ginawang paraan ni Ninoy bilang pag protesta ay mag hunger strike talagang walang kain pero tuloy pa din sa pag susulat at pag babatikos kahit na sya pa man ay nakakulong na pero sa di inaakalang pag ka kataon ay binigyan sya ni Marcos ng kalayaan para maka pag pa gamot dahil na din sa bumagsak na ang katawan nya at nag ka sakit na nga dahil sa epekto ng di nya pag kain bilang pag protesta sa gobyernong Marcos at paraan din ito ng rehimen nya na ipakita din sa mundo na may puso ang gobyerno ng diktador na si Marcos dahil nakakatangap na din ng pag batikos ng "international community" ang pamahalaan.

Nestor: Taong 1978 sya ay pinayagan na maka laya at naging kundisyon nga ay ang magpagamot ayon sa gobyerno ni Marcos, pero hindi eh ang nangyari eh bale ba na "Exile" sya sa Amerika... pero nung sya ay gumaling na at naka recover, nag patuloy pa din si Ninoy na nag salita laban sa rehimeng Marcos. kaliwat kanang pag babatikos ang ginawa nya dahil para sa kanya talagang walang dapat na gawin para lumaya na at di na magutom ang bansang Pilipinas ay dapat na mawala na si Marcos sa pamahalaan ng bayan at dapat ay mag karoon ng tunay na reporma, republika at demokratikong Pilipinas.

Nestor: Taong 1981 makalipas ang 3 taong pagkaka "Exile" ni Ninoy sa Amerika ay nakapag pasya si Ninoy na umuwi na ng Pilpinas dahil sa alam nya na walang mangyayari kahit na ba panay ang pag batikos nya dapat daw ay nasa Pilipinas daw sya at dito dapat nya muling buhayin ang pag laban para sa tunay at lehitimong "Demokrasya" ngunit tutol dito ang marmi pati na ang kanyang mga kapartido sa pulitika ang sabi nila "Huwag ka na munang bumalik at baka may mangyari lang sa iyo dito" pero hindi pa rin sya natakot o natinag man lang basta ang sabi nya "if that will be the case then so be it, makulong na kung makukulong ulit, mamatay na kung mamamatay". at yun na nga ang nangyari, sya ay pinaslang na walang kalaban laban.

Mula noon ay naintindihan ko na kung bakit ganon na lang si Ninoy kamahal ng mga Filipino at ito din ang nag pa bukas sa isip ko kung sino at ano ang ipinaglalaban ni Ninoy. Mula din noon ay naging interesado na ako sa mga nangyayari, nagbabasa na din ako ng dyaryo at nakikipag debate na sa ilang matatanda na kaibigan ng tyuhin ko na mga maka Marcos.

Ngayon naisip ko na noong mga panahong yuon ay nag kaisa na ang Filipino kahit na ba si Marcos ay nakaupo pa din ay talagang nag aaklas na ang taong bayan para bang nawala ang takot nila siguro nga dahil sa nangyari kay Ninoy at sa mga salitang binitawan nya bago sya pinatay, "The Filipino is worth dying for".

Ang sarap gunitain ang panahong yon kasi nga masaya, nakakatakot pero nandun pa din yung tapang kasi nga ang iniisip namin eh bakit si Ninoy kinailangan pang mamatay para lang tayo lumaban di dapat ay noon pa...

Sana ngayon din ay muling mag isip tayo na kaya nya ginawa ang magbuwis ng buhay ay dahil sa ang ating inang bayan ay humihingi na ng Fipinong mag aaruga at mag bibigay ng tunay na importansya para sa atin na kanyang mga anak at dapat naman ay suklian natin ng mabuti at wag mag papaka lunod sa kapangyarihan na tayo din ang syang tunay na mag luluklok sa kung sino mang mauupo para mapanatili ang tunay at lehitimong demokrasya na ating natamasa kahit na sa maikling mga sandali noong 1986.

Sana din po ay huwag nating kalilimutan na si Ninoy ay bahagi ng tapang na sa ating mga puso ay nakaukit.


PILIPINAS TULOY LANG NATIN ANG LABAN!


Powered By Blogger