Paano na?
Eto na naman ako muling mag tatanong sa inyo, Paano na?
Paano na kung laging ganito, araw araw ibat ibang reklamo oras oras nabubulilyaso.
di ka ba matututo?
Isang araw pag gising mo, bakit ba ganito? mas swerte ka pa nga at nakakahimbing ka pa sa pagtulog mo.
Paano na kaming mga nandito, nag hihirap sa pag kayod may pang ambag lang sa pag lamon mo.
Di ka ba nahihiya at ang lakas pa ng loob mo na humarap sa tao? kung ako sa iyo mag sabi ka na ng tutoo.
Paano na ang Bayan ko, araw araw na lang ba ang tao ditoy may reklamo? inu ulit ko dapat na talagang mag sabi ka na ng tutoo.
Di ba dapat na ikaw ang mamuno, Bakit ang nangyayari ngayon eh ikaw pa ang pasimuno.
Paano na kaming mga gutom, magugulat na lang ba at pati kami ay iyong nilalamon?
At ikaw.... oo nga ikaw na laging nasa tabi ng pasimuno wag nang lilinga linga at mag sa walang kibo alam naman ng nakararami na natulo ang mantika sa mga labi mo.
Di ka ba nahihiya gaya ng unang tanong ko, Ang lalakas din ng loob nyo na mag pa bango ngunit ang alingasaw ninyo eh sobrang "BAHO!"
Tama na ang pag mamaang maangan sawa na ang taong bayan dapat na lang na laging tandaan ay ayaw ni "LORD" ng mga taong ganyan.