Archives

gravatar

Remembering Ninoy...


How time really flies and i was thinking..... Ilang taon na nga ba since nung pinaslang si Ninoy?......... akoy napatigil napa isip..... mahigit sa dalawampung taon na pala (26 years to be exact.) napatigil akong muli at nag isip.... may nabago na ba?.... Hmmm.... Ilang beses akong nag palingalinga at muling nag isip..... Parang nung ipinarada yung bangkay ni Ninoy ko lang nakita na may nag bago sa Pilipinas at sa mga Filipino... Tinanong ko ang sarili ko kung ano... Ano nga ba ang mayroon noong mga araw na iyon.

Taong 1983 akoy nasa ika lawang taon ng aking pag aaral sa high school tila napaka bata ko pa noon at walang kamuwang muwang sa mga nangyayari pero naging mapag masid ako at mapag tanong sa mga naka paligid sa akin. Ang unang tinanong ko ay ang tyuhin ko na si Atty. Nestor M. Maralit,

Neil: Tito Ness bakit ba ganito ang nangyayari sa ating bansa? bakit laging may rally? at sino si Ninoy?

Sagot ng tyuhin ko sa akin:

Nestor: Hay nako napaka bata nyo pa para sa ganito pero sige, Noong Setyembre a onse 1971 ay nag simula ang lahat. ideneklara ni Marcos ang "Martial Law" dahil daw sa walang humpay na kaguluhan na nangyayari daw sa ating bansa napak "Unctrolable" na daw ng mga Filipino kung kayat kamay na bakal daw ang solusyon. nag umalma ang oposisyon at pati na din ang taong bayan dahil sa walang humpay na pag aresto ng basta basta ng militar sa kanila dahil lamang sa pag tutol nila sa mga alituntunin ni Marcos, isa na dito ang magiting na si Benigno "Ninoy" S. Aquino kasama ng mga nasa partidong "Liberal" isa isa at unti unti din silang lumalaban kay Marcos ngunit isang araw isa isa din silang pinag dadampot ng mga sundalo na nouy napaka makapangyarihan dahil na din sa pag uutos ni Marcos. ilang taon din silang na kulong at pati mga Filipino na negosyante na tumutulong sa opsisyon ay pinag huhuli din ibig sabihin lahat ng mag bitiw ng salitang hindi maganda sa pamahalaan lalong lalo na sa pangalan ni Marcos ay agad itong ipinahuhuli at pinakukulong.... ng ganun lang... pero sa lahat ng mga lumaban kay Marcos ay itong si Ninoy lang ang hindi tumigil sa pag batikos sa kanya kahit na sya pa ay nakakulong na ay ganun pa din so itong si Marcos ay parang napapahiya na sa buong mundo di lamang dito sa Pilipinas pati sa ibang bansa partikular na sa Amerika na alam naman nating numero unong taga pag tangol ni Marcos. so sa madalit salita lalong nag umigting ang galit ng mga Filipino kaya ayun halos araw araw ay may rally pero may takot na din sila kasi nga dahil sa pinaiiral na batas militar. kaliwat kanang mga pang aabuso ang ginawa ng militar merong ng rape, nangugulpe, at nangugulo sa mga establisimento. Ang sabi naman ni Marcos ay mas umigi daw ang ating bansa dahil sa "Martial Law" pero sa tingin ko eh wala din ganon pa din mahirap pa din ang bansa ang mga nakikinabang lang ay ang mga nasa gobyerno nya (Marcos).

Nestor: So yun na nga balikan natin si Ninoy, gaya nga ng nasabi ko itong si Ninoy ay napaka tapang talagang di sya tumigil hangat di nya nasasabi ang gusto nya para sa ating bayan na taliwas naman sa mga alituntunin ni Marcos. ang isang ginawang paraan ni Ninoy bilang pag protesta ay mag hunger strike talagang walang kain pero tuloy pa din sa pag susulat at pag babatikos kahit na sya pa man ay nakakulong na pero sa di inaakalang pag ka kataon ay binigyan sya ni Marcos ng kalayaan para maka pag pa gamot dahil na din sa bumagsak na ang katawan nya at nag ka sakit na nga dahil sa epekto ng di nya pag kain bilang pag protesta sa gobyernong Marcos at paraan din ito ng rehimen nya na ipakita din sa mundo na may puso ang gobyerno ng diktador na si Marcos dahil nakakatangap na din ng pag batikos ng "international community" ang pamahalaan.

Nestor: Taong 1978 sya ay pinayagan na maka laya at naging kundisyon nga ay ang magpagamot ayon sa gobyerno ni Marcos, pero hindi eh ang nangyari eh bale ba na "Exile" sya sa Amerika... pero nung sya ay gumaling na at naka recover, nag patuloy pa din si Ninoy na nag salita laban sa rehimeng Marcos. kaliwat kanang pag babatikos ang ginawa nya dahil para sa kanya talagang walang dapat na gawin para lumaya na at di na magutom ang bansang Pilipinas ay dapat na mawala na si Marcos sa pamahalaan ng bayan at dapat ay mag karoon ng tunay na reporma, republika at demokratikong Pilipinas.

Nestor: Taong 1981 makalipas ang 3 taong pagkaka "Exile" ni Ninoy sa Amerika ay nakapag pasya si Ninoy na umuwi na ng Pilpinas dahil sa alam nya na walang mangyayari kahit na ba panay ang pag batikos nya dapat daw ay nasa Pilipinas daw sya at dito dapat nya muling buhayin ang pag laban para sa tunay at lehitimong "Demokrasya" ngunit tutol dito ang marmi pati na ang kanyang mga kapartido sa pulitika ang sabi nila "Huwag ka na munang bumalik at baka may mangyari lang sa iyo dito" pero hindi pa rin sya natakot o natinag man lang basta ang sabi nya "if that will be the case then so be it, makulong na kung makukulong ulit, mamatay na kung mamamatay". at yun na nga ang nangyari, sya ay pinaslang na walang kalaban laban.

Mula noon ay naintindihan ko na kung bakit ganon na lang si Ninoy kamahal ng mga Filipino at ito din ang nag pa bukas sa isip ko kung sino at ano ang ipinaglalaban ni Ninoy. Mula din noon ay naging interesado na ako sa mga nangyayari, nagbabasa na din ako ng dyaryo at nakikipag debate na sa ilang matatanda na kaibigan ng tyuhin ko na mga maka Marcos.

Ngayon naisip ko na noong mga panahong yuon ay nag kaisa na ang Filipino kahit na ba si Marcos ay nakaupo pa din ay talagang nag aaklas na ang taong bayan para bang nawala ang takot nila siguro nga dahil sa nangyari kay Ninoy at sa mga salitang binitawan nya bago sya pinatay, "The Filipino is worth dying for".

Ang sarap gunitain ang panahong yon kasi nga masaya, nakakatakot pero nandun pa din yung tapang kasi nga ang iniisip namin eh bakit si Ninoy kinailangan pang mamatay para lang tayo lumaban di dapat ay noon pa...

Sana ngayon din ay muling mag isip tayo na kaya nya ginawa ang magbuwis ng buhay ay dahil sa ang ating inang bayan ay humihingi na ng Fipinong mag aaruga at mag bibigay ng tunay na importansya para sa atin na kanyang mga anak at dapat naman ay suklian natin ng mabuti at wag mag papaka lunod sa kapangyarihan na tayo din ang syang tunay na mag luluklok sa kung sino mang mauupo para mapanatili ang tunay at lehitimong demokrasya na ating natamasa kahit na sa maikling mga sandali noong 1986.

Sana din po ay huwag nating kalilimutan na si Ninoy ay bahagi ng tapang na sa ating mga puso ay nakaukit.


PILIPINAS TULOY LANG NATIN ANG LABAN!

gravatar

LABAN...... BAYAN ....... LABAN!



Ang bayan kong Pilipinas
Lupain ng ginto't bulaklak
Pag-ibig na sa kanyang palad
Nag-alay ng ganda't dilag


At sa kanyang yumi at ganda
Dayuhan ay nahalina
Bayan ko, binihag ka
Nasadlak sa dusa

Ibon mang may layang lumipad
Kulungin mo at umiiyak
Bayan pa kayang sakdal-dilag
Ang 'di magnasang makaalpas

Pilipinas kong minumutya
Pugad ng luha at dalita
Aking adhika
Makita kang sakdal laya

TULOY TULOY PA DIN ANG LABAN!

gravatar

Isigaw natin ang "KORO!"

Bridge the gap spread the love
Light the torch raise the flag

Ang pag ibig ay liwanag
Ang liwanag ay pag ibig


Bawat butil ng buhangin na di
Niyo kayang bilangan halika

Ang pag ibig ay ialay natin sa
Ating kapatid

Magsama samang isugod bandilang
Hawak ating itaguyod

Excerpt from "Greyhoundz, Francis M & Glock 9 Song APOY"

gravatar

Paano na?

Eto na naman ako muling mag tatanong sa inyo, Paano na?

Paano na kung laging ganito, araw araw ibat ibang reklamo oras oras nabubulilyaso.
di ka ba matututo?

Isang araw pag gising mo, bakit ba ganito? mas swerte ka pa nga at nakakahimbing ka pa sa pagtulog mo.

Paano na kaming mga nandito, nag hihirap sa pag kayod may pang ambag lang sa pag lamon mo.

Di ka ba nahihiya at ang lakas pa ng loob mo na humarap sa tao? kung ako sa iyo mag sabi ka na ng tutoo.

Paano na ang Bayan ko, araw araw na lang ba ang tao ditoy may reklamo? inu ulit ko dapat na talagang mag sabi ka na ng tutoo.

Di ba dapat na ikaw ang mamuno, Bakit ang nangyayari ngayon eh ikaw pa ang pasimuno.

Paano na kaming mga gutom, magugulat na lang ba at pati kami ay iyong nilalamon?

At ikaw.... oo nga ikaw na laging nasa tabi ng pasimuno wag nang lilinga linga at mag sa walang kibo alam naman ng nakararami na natulo ang mantika sa mga labi mo.

Di ka ba nahihiya gaya ng unang tanong ko, Ang lalakas din ng loob nyo na mag pa bango ngunit ang alingasaw ninyo eh sobrang "BAHO!"

Tama na ang pag mamaang maangan sawa na ang taong bayan dapat na lang na laging tandaan ay ayaw ni "LORD" ng mga taong ganyan.

gravatar

What are they thinking!

This is too much! Now they are asking for more hatred from the Filipinos (Specially to our Muslim brothers), I dont know what this people are thinking................ why do they want to Demolish the Grand Mosque in pasay city..... (http://www.malaya.com.ph/aug14/metro1.htm read the article from the newspaper today).

What nerves and what kind of people we have in our government just because of wanting to have more income they would demolish our brothers Mosque and take note that the Ramadan is coming a few days from now, what would our brothers will do when this happen?

We all know that our economy is really in bad shape and we are affected by the "GLOBAL ECONOMIC CRISIS" but to think of demolishing a Religious house (Mosque) just for us (The Philippines) to have an income? hmm.... better think twice!

I urge each of you my fellow countryman to do something about this and to stop the demolishing of the Mosque just to give way for shops and casinos and this is a direct "VIOLATION OF CHRISTIANS AND MUSLIMS BELIEFS".

News Courtesy of Malaya - The National Newspaper

gravatar

Wala bang take out?

Hay..... nako ina ko po Mam! sana naman eh binalutan mo kami kahit konti at ng makatikim naman kami ng GLORiA!

READ MORE:


Photo Courtesy of La Liga Bulakenya (Facebook.com)

gravatar

Kumain ka na ba?



Eto na naman po ang aming mahal na Pangulo, hindi kaya sya nag isip muna bago sumabak ng kain?..... well according sa mga news and hearsay's "di daw sya ang gumastos dito at sya ay naimbitahan lamang". kayo na lang po ang humusga at pagod na din akong maging kritiko nya bagkus ay mag iisip na lang ng mas productive na paraan para naman magkaroon ng pakinabang sa akin ang ating bansa......

note:

wag naman po sanang mag sorry na naman sya in public dahil nagiging kamukha nya lang si wowowee.... he he he.... (Dyoke!)

Photo courtesy of La Liga Bulakenya (Facebook.com)

gravatar

Kalabaw



ito ay simbolo ng pilipino na naghahanap ng tunay na kalayaan. 3 1/2 oras na dutdutan. sa una masakit pero ok lang kailangan kasi eh statement ko ito saka identity ko to na pinoy ako kaya kahit masakit tiniis ko alang alang sa kagustuhan ko saka meaningfull sa akin ang design at maganda naman ang pagka excute ni ka Edong (SALAMAT PO!)

Anyways sa mga gustong mag pa tattoo siguraduhin nyo lang na kung ano ang disenyo nyo ay di nyo pag sisisihan and also it has to have a meaning at di lang kaya ka nag pa tattoo eh dahil sa uso or you just want people to know that you have tattoo and also the most inportant thing is that you have to have your own design and wag gaya lang kasi hirap nyan pag may naka sabay then nakita mo pareho kayo ng tattoo eh di terno pa pakyo he he he....

so lets go and spread the skin art to the world!

Artist : Boten Edong Dragon ( Eldrako Tattoo CNMI Saipan USA)
Date: july 29, 2009
Where: El Drako Tattoo CNMI Saipan USA
Tattoo Style: Tribal
Website: http://www.eldrakotattoo.com/

gravatar

Watak watak sa iisang WATAWAT!

Ang Bayan kong kinagisnan
pinag mulan ng magigiting at matatapang
nakipag laban para sa inang bayan
ngunit sa isang iglap biglang nanakawan

Kung bakit at ano ay di ko pa rin malaman
mga dayuhan ay nag pupumilit makamtan ang ating bayan
ang kalayaan sa atin ay ipinag damot ng kung ilang dekada
ngunit laging may tumatayo at lumaban

Kung tayo’y mag babalik tanaw
iisa lang ang ating makikita
mga kababayang nag aalsa at
lumaban sa dayuhang mapag samantala

Ngunit bakit ngayon ang kanilang ipanag laban
ay di ko na masilayan.
mga mag kababayan, sila sila din ang nag lalaban laban

Watak watak sa iisang WATAWAT
kuna ano ang dahilan di ko maintindihan
mga mahirap at mayaman ay malayo ang pagitan
Kristyano at Muslim hangang ngayon ay may alitan
ang kawawang Juan naiipit sa labanan

Maliit na bagay ating pinag aawayan
pati sa pamumuno tayo’y nag aagawan
sino ang may sala sino ang pinag mulan?
ito ang tanong lagi ni Juan

Kailangan pa ba na may magbuwis ng buhay
upang tayong mga Pilipino ay muling mag akbayan
di na ba tayo natuto sa ating nakaraan
lagi na lang ba nating kailangan balik balikan
ang mga taong sa atin ay nakipag laban

Di bat tayo din ay may pananagutan
sa mga aksyon na ating ginampanan
nagka mali na ng minsan dapat pa bang
mag sumbatan?

Ngunit di pa huli ang lahat
ang kailangan lang ay kaayusan
halina’t mag kapit bisig
ikaw at ako magtulungan.


Kristyano ka man o Muslim,
mahirap man o mayaman
ang kulay nating kayumangi ang laging titignan
upang ating malaman na tayo ay iisa lamang.

Huwag na nating punitin pang muli
ang nawasak nating Watatwat
bagkus ay magkaisa upang ang lahat
ay ating malampasan.

Watak watak sa iisang WATAWAT
ay wag na nating balikan
di bat napaka sarap na tayong lahat
ay magkakapatid at magkakaibigan.


( Filipino 8-6-09 )

gravatar

PAALAM PRESIDENT CORY! Itutuloy naming ang LABAN!


Ito na marahil ang huli kong pamamaalam sa ating ina ng demokrasya, bagamat sya ay literal na wala na mananatili pa din sya sa aking puso at damdamin dahil sa kadakilaan na knyang ipinakita at ipinalasap sa ating bayan.

Sa kanyang pag lisan dito sa mundo ay di nangangahulugan na titigil na ang mundo natin dapat pa din nating tandaan na noong nawala at kinitil ng diktadurya ang buhay ni Ninoy ang taong bayan ay nag aklas at nag umapaw ang galit na kahit sino man ay di kinatakutan naging mapanuri na ang Pilipino, lahat ng klaseng pag aklas ay kanilang ginawa.

Ang nais ko lamang iparating sa mga kababayan ko sana ay gawin natin itong ehemplo sa makabagong Pilipinas "Lets all be vigilance and let us be wise" di natin kailangan ng dahas at lalong di na natin kailangan na malinlang. Gaya ng sinabi ni Cory "Let us all pray to God that he would give us the courage, the strength and the knowledge to how our country would be".

Tuloy ang LABAN! wag tayong padadala sa matatamis na salita, maging mapag isip na tayo, at higit sa lahat pag aralan na nating tulungan ang ating bayan upang ang tunay na DEMOKRASYA na ating natamasa noong panahon ni Cory ay muling manatiling buhay.

gravatar

GMA 7 LIVE!

Get Microsoft Silverlight


Maraming salamat sa http://www.hayag.com para sa live streaming.

gravatar

PAALAM CORY!

CORAZON COJUANCO AQUINO
1933 - 2009
PAALAM MAHAL NA TAGAPAG TANGOL NG TUNAY NA DEMOKRASYA!


Ang bayan kong Pilipinas
Lupain ng ginto't bulaklak
Pag-ibig ang sa kanyang palad
Nag-alay ng ganda't dilag.
At sa kanyang yumi at ganda
Dayuhan ay nahalina
Bayan ko, binihag ka
Nasadlak sa dusa.

Ibon mang may layang lumipad
Kulungin mo at umiiyak
Bayan pa kayang sakdal dilag
Ang di magnasang makaalpas!
Pilipinas kong minumutya
Pugad ng luha ko't dalita
Aking adhika,
Makita kang sakdal laya!

TULOY TULOY PA DIN ANG LABAN!


Powered By Blogger