Archives

gravatar

Lipat dito, lipat doon....

President Benigno "Noynoy" C. Aquino III
hep hep teka muna bago ang lahat congrats sa ating bagong Pangulo.... Benigno "Noynoy" C. Aquino, Sana naman eh bigyan mo ng halaga ang mga paghihirap na binigay namin na sumuporta sa yo... ang ibig kong sabihin e sana wag kang bibitaw sa mga pangako mo kasi naniniwala kami na may magagawa ka sa mga pag babago na gusto ng mga kababayan natin at sabi nga ni Juana Change "Noy pag naging trapo ka at marami kang kapalpakan eh PIPITPTIN NAMIN BAYAG MO!" bwahahaa...... kidding aside Mr. President sana talagang pagbutihin mo ang pag lingkod sa Bayan at sa aming iyong mga kababayan. 

So eto na medyo busy ako sa pag iimpake ng mga gamit kasi nga lilipat na kami ng bahay (Apartment), nag time out lang ako para mag post since medyo natagalan ako ng pag sulat dito sa walang kwenta kong blog (he he he....). abangan na lang natin ang mga susunod kong kwento kung ano ang tunay na dahilan kung bakit kami lilipat ng bahay kasi medyo mahaba eh saka isa pa nag time out nga lang muna sa pag liligpit ng mga gamit namin.

ok abangan na lang siguro baka sa a uno or a dos na ng hunyo ako mag update dito at sasamahan ko pa ng mga piktyur....

babay!!

gravatar

Wala lang..........

Ayun na nga! hay nako tapos na ang boksing.... este eleksyon pala, noong nakaraang a tres ng Mayo ako bumoto dito sa Saipan bilang Absentee Voter at syempre meron din akong manok (kala nyo kayo lang.....) obyus naman kung sino sya di ba anyways napaka dali talaga ng pag boto dito kasi nga pupunta ka lang sa pinaka malapit na Phil. Embassy or Consulado eh madali mo nang magagawang bumoto so yun na nga although yung sinaunang style pa din naman ang pag boto ko dito (di gaya ng dyan sa Pinas na "Automated" na) eh naging ok din naman. Medyo madami-dami din naman akong nakasabay na bumoto dito at take note talagang napaka kukulit pa din naman ng karamihan sa mga kababayan natin dito nandyan yung mga nag papatawa, nagagalit at napakaraming question sa mga staff ng kunsulado, at syempre meron pa din namang mga tahimik lang at minding their own bussiness ika nga. pagkatapos kong bumoto ay binalikan ko yung mga listahan ng mga botante at napansin ko na may mga ka apelyido pala ako na nandito din sa Island pero di ko lang sure kung kamag-anakan ko sila o simpleng ka apelyido ko lang sila dahil wala naman akong natatandaan na sinabihan ako ng tatay ko na may mga kamag anak kami dito.


Teka ano nga ba ang susunod na dapat nating gawin matapos nga ang eleksyon at naiproklama na ang bagong pangulo? ako siguro ganon pa din pero titiyakin ko na kahit papano ay may mai contribute ako. Well ngayon nga dito lang ako sa bahay at walang trabaho pero teka meron nga pala he he he.... ako nga pala ang yaya ng anak kong bunso, sa buong mag hapon wala akong ginawa kundi ang makipag kulitan sa kanya pero syempre may mga oras din na niinis ako sa kanya lalo na pagka ayaw nya ng pagkain na niluto ko gaya nga ngayon nag prito ako ng manok at akala ko nga magugustuhan nya. Isa lang naman ang alam ko na gusto nya at ito nga ay kahapon pa nya kinukulit sa akin....... ano pa eh di Mcdonalds ano pa nga ba magagawa ko eh di pagbigyan na lang hilig nya para lang makakain kaya nga minamadali ko ng tong post ko para makaalis na.

So yun kakatapos ko lang manghalian at mag ready na para magpunta sa Mcdo at nang matapos na ang kakulitan ng anak ko. teka ano nga pala yung sinabi ko kanina?..... hmm.... ahh oo nga pala mabalik tayo doon sa mga dapat na gagawin pagkatapos ng eleksyon. Siguro nga dapat ay maging aware na tayo sa mga magiging desisyon natin at dapat na din na mag gawa tayo ng hakbang para naman di tayo maging pabigat sa gobyerno natin kasi sa pag kakaalam ko ay malaki bahagi din tayo kung bakit ang gobyerno natin ay nagiging palpak at tayo din ang nag bibigay sa kanila ng motibo para maging "Corrupt"! dapat tuluyan na nating itigil ang "RED TAPE" kasi ito ang isa sa pinaka malaking dahilan kung bakit nag kakaroon ng Corruption kung walang magbibigay/lalagay eh di mababawasan na ito.
Ok sige so ano para na naman akong nag sesermon sa mga bata nito pero siguro sa inyong own little way eh may magagawa din kayo pero for now dapat nating or dapat tayo din ay ganap na maging tunay na simuno sa tunay at lehitimong pag babago na ating laging hinahanap.

gravatar

A dyes ng Mayo



Isang magandang araw ang aking pag bati sa aking mga kababayan, ngayon ika sampu ng Mayo ay importanteng araw para sa ating lahat, bakit? eh di ano pa eto na ang panahon para tayong lahat ay mag desisyon para sa kinabukasan ng ating bansa at para din ito sa kinabukasan ng ating mga anak kung kaya dapat ay maging mapanuri tayong lahat. Pula, Orange, Berde o Dilaw man ang iyong kulay ang pinaka importante ay ang seguridad ng ating napaka halagang boto at naway tayong lahat ay makatikim naman ng isang matiwasay at malinis na halalan at wag na sanang maulit pa ang mga nakagawian o na experience natin noong mga nakaraang halalan na alam naman ng lahat na isa sa pinaka maruming halalang naganap sa istorya ng eleksyon sa ating bansa.

Ok so ano na? Siguro naman eh sa haba-haba ng panahon na ating nakikita sa mga poste, telebisyon at kung saan-saan pa sa ating paligid ang mga mukha ng mga kandidato eh mayroon na din kayong napupusuan kalokohan naman na wala pa o baka naman di ka botante he he he........ ( sa mga hindi rehistrado/botante tandaan nyo wala kayong karapatang mag reklamo ha kasi di naman kayo sumali sa eleksyon, ok!).

Basta batayang mabuti ang inyong boto at minsanan lang ito sa loob ng 6 na taon eh baka naman matanso na naman tayo..... alam nyo na..... 

Kaya mga kabayan ko sugod na ng maaga bukas (10th May 2010) sa ating mga kanya-kanyang presinto at wag ng makigulo pa sa mga tanghali na kung magsikilos at ng maaga pa lang ay natapos na ninyo ang inyong OBLIGASYON bilang isang botanteng PILIPINO.

gravatar

45 wonderful days in the Philippines

Wow time really fly so fast when your enjoying..... yeah literally "When your enjoying" it was an awesome vacation me and family had, every minute of it was wonderful. My kids enjoyed it so much back there and lalo na ako he he he......

Ok I'm going to start my kwento ng kami ay sumakay pa lang sa eroplano dito sa napaka lungkot na pulo ng Saipan, My kids were like excited na parang di na nila napansin na from here at the Saipan airport patungong Guam will take us 35 - 45 minutes and from Guam to Manila almost 4 hours.

 

So from the NAIA we were fetch by my father in-law and my brother so eto na dito na nag simula ang magandang kwento, kahit na nga ba medyo jet lag pa kami eh di na namin ito napansin kahit na din na halos magsuka na sa hilo si Luigi ok lang din ang importante lang sa kanya ay ang makapunta agad kami sa Jollibee (lol) and yung 2 naman eh ang gusto makauwi agad sa house namin eh ako naman syempre diretso agad sa starbucks for my Caffe Latte (Venti ofcourse).

Day 2 we went to SM north edsa i bought the ACCEL A-toy edition ( i forgot to take a photo of it but soon i'll post it.) after shopping syempre CHIBUGAN NA! kumain kami fast food miss na kasi namin eh so yun na pag kakain eh konting window shopping saka kami umuwi sa bahay siguro mga 7pm na yun.

Marami pa akong escapades sa Pinas so for now eh eto na lang muna. o sige manood muna ako ng Pinoy TV at 24 oras na!


Powered By Blogger