isang magandang pangyayari
Kahapon ika 10 ng Hunyo isang malawakang pagtitipon ang naganap sa kahabaan ng Ayala ave. sa lungsod ng Makati, ito ay nilahukan ng mahigit kumulang na limang libong pilipino na nag uumapaw ang galit dahil sa pag papasa ng HR 1109 o ang pag buo ng Constituent Assembly na alam naman natin na mag bibigay daan patungo sa Charter Change na makapag paparaya sa ating mahal na pang gulo na humaba pa ang kanyang termino.
sana po ay wag nating hayaang ito ay mangyari kung kinakailangan ng isa pang malaking pagtitipon para lang sa ikatatagumpay ng ating adhikian ay wag po tayong matakot at mag atubili na muling sumali sapagkat ito ay di lamang para sa atin ngunit para din ito sa kinabukasan ng mga anak/apo natin upang di na nila danasin pang muli ang ating dinaranas sa ngayon.
Mabuhay tayong lahat at naway ipag patuloy pa natin ang ating mga adhikain para sa tunay at lehitimong pag babago sa ating bansa.
(picture couortesy of http://www. GMANews.tv)