gravatar

Villar dito Villar doon...... at ang aking mga katanungan

It seems like everywhere you go you will see Sen. Villar's political campaign ads...... WTF! even in Yahoo chat! Google ads and facebook!  is this guy the real deal.... ok ok ganito yan ayon sa kanyang mga salita sya daw ay mahirap at maka mahirap, MAHIRAP KA? hmm... kung mahirap ka eh ano na tawag sa mga taga payatas, sa mga nasa kalye at nang lilimos? HAMPAS LUPA NA?

Oo nga at ito ay parte ng pangangampanya pero sa tingin nyo sino ang gumastos sa mga ito? friends of him (Sen. Villar) or by him? hmm.... ulit.... kung by friends of him sobra naman yatang ang laki ng mga ginagastos ng mga ito para lang sa mabuting senador, di kaya sa huli at pagpalain na maging pangulo nga sya eh magkaroon ng paglapit ng mga sinasabing tumulong at gumastos sa kanyang kampanya? ano sa palagay mo Sen. Villar ser?

At kung ang mabuting senador nga ang gumastos dito tila sobra-sobra naman yata ang nagagasta mo ser, baka naman bawiin mo din yan ha...... hmm..... kung susumahin kaya natin ang mga ito aabot sa magkano na kaya ang nagagasta ng kampo ng mabuti nating senador? well iiwanan ko na lang ang mga katunungan kong ito sa inyo.

Sino-sino pa kaya ang mga nagsisipag gasta ng malaking halaga para sa pangangampanya para sa mataas na posisyon ng ating bansa maliban sa ating mabuting senador?
Isang pag puna at walang halong pangungutya lamang po ito at sana naman po ay maging bukas ang inyong mga isipan sa lahat ng aking mga kwestyun.


Powered By Blogger