Huli man daw eh talagang late na, Anyways nag celebrate kami ng Balentayms Dey dito lang sa aming bahay nag luto ng 3 masasarap na putahe una ay ang Chicken n' pork afritada tapos mee-goreng (Malaysian style pansit canton) saka tinortang ampalaya.
Masaya ang naging araw namin bakit kamo kasi po kasama ko syempre ang aking mag iina (Sino pa ba ang dapat?.....) pero may halong kalungkutan pa din sa kadahilanang mas mag eenjoy sana kami kung nasa pinas kami, ang unang naapektuhan dito ay ang aking panganay na anak dahil kahit di nya ito aaminin ay talaga namang may na mi-miss sya sa pinas (GRRRRR!!!!!!! no choice si me dun din naman ang tuloy at mahirap na masyadong kontrolin at baka mag rebelde panalangin ko lang eh sana naman ay ang pag aaral kanyang prayoridad at wag ang ganitong bagay) at tungkol naman sa 2 kong anak wala namang problema at kita ko sa kanilang mga mata na sila ay masaya lalo na kung kami nag huhuntahan at nagbibiruan. Ang aking asawa naman talagang sa kanyang pamamaraan ay pinakita nya ang kahalagahan namin sa kanya(wala na akong hahanapin pa siguro dahil para sa akin ay "Kumplit pakej" na sya).
Matapos ang aming kainan kami ay nag kwentuhan nanood ng t-b at..... ay oo nga pala nakalimutan ko pang bangitin ang aming ika apat na anak he he he..... si Tiny! ito ay ang aming anak-anakang aso na itinuturing na rin naming anak sya ay nagbigay ng saya sa amin habang kami ay namamahinga sa sobrang pagka busog, naandyan yung susuklayin sya ng panganay kong anak tapos guguluhin naman din nya he he he....
Matapos ang pamamahinga bandang alas singko y' medya ay napag isipan naming mag meryendang mag-anak (kasama ang lahat pati si Tiny) at kami nga ay tumungo sa "Mcdo" bale baga naging meryenda con hapunan na din ang nangyari dahil nga sa nakatamaran na namin ang magluto matapos dito ay nag tungo kami sa night market at nag "Stroll"at naka pamili ng kaunti.
Lumipas ang mag hapon at bandang alas syete ng gabi ay isang tawag sa telepono ang aking natangap isang kaibigan ang gustong makipag inuman sa akin so to make the long story short.... sya ay aking pinaunlakan (Red horse syempre ang aming ininom). kami ay nag inuman hangang sa dumating ang isa pa naming kaibigan so eto na naman dag-dag ng beer!(anim na red horse grande to be exact) kami ay inabot ng hangang ala una na ng madaling araw. kwetuhan tungkol sa buhay-buhay, mga taong aming kinaiinisan, panaka-nakang tawanan (Halos puro tawanan nga eh... he he he) at ang pinaka huli nga eh ang tungkol sa politika sa atin (Di na talaga ito siguro mawawala sa isang salo-salo maging sa handaan man o simpleng inuman).
So yun na ganito ko ipinag diwang ang aking "Balentayms dey", kayo papano nyo ito ipinagdiwang?