Archives

gravatar

Maguindanao at ang BATAS MILITAR (MARTIAL LAW)

Noong nakaraang lingo idiniklara ng Pangulo ang "MARTIAL LAW" sa Maguindanao, Ang pag dedeklara nito ay ibinaba para daw masugpo at madisarmahan na ang mga "Private armies" sa nasabing lalawigan bunsad na din sa nangyaring massacre sa ilang mamamahayag at katungali sa pulitika. Dapat nga bang ito ay ideklara? bakit hinintay pa nating may mangyaring karumaldumal na krimen bago naisip ng pamahalaan na itong mga war lords na ito ay maimbestigahan, sino ang dapat managot sa mga pagka-karoon nila ng mga ganitong kadaming tauhan at modernong matataas na uri ng armas?

May mga nagsasabing ito daw mga private armies na ito ay kinailangan ng bayan para daw madagdagan ng pwersa ang gobyerno laban sa mga rebeldeng muslim ngunit sa totoong buhay ay sila itong mga nag hahari-harian sa nasabing bayan at di ang mga sinasabi nilang rebelde.

Ang Maguindanao ayon sa survey ay ikatlo sa mga naghihirap na bayan dito sa Pilipinas, ang ikanabubuhay ng mga naninirahan dito ay pagiging magbubukid ngunit bakit may mga pamilya dito na ubod ng yaman na ayon sa balita na mahigit o aabot na sa 3 bilyong piso mga pera at ari-arian ng nasabing pamilya. Bakit at papaano ito nagyari? ang pag bubukid lamang ang ikinabubuhay ng mamamayan dito at gaya nga ng nasabi ko ito ay ikatlo sa pinakamahirap na bayan sa Pilipinas.

Ang mga armas na nakuha ng militar sa mga ari-arian ng isang kilalang pulitkong pamilya ay hindi basta basta. ito marahil ang isa sa mga dahilan at ibinulgar ni Sen. Trillanes noong sya ay nag attempt ng coup, isang katotohanan na ang kanyang ipinag lalaban ay tunay na nangyayari sa ating bansa. papaanong ito ay napunta sa nasabing pamilya?

Kinakailangan pa ba talaga ng Batas militar para lang itong mga ganitong pag iimbestiga ay sumuong? o isa itong pagtatakip sa tunay na mangyayari at magaganap (Over spilling ba ito sa tunay na sitwasyon?).

Wag naman po sanang ito ay maging tulay sa isa na naman pong deklarasyon pambansa MARTIAL LAW), kami po ay sawa na sa ganitong sitwasyon ilang dekada na ang nakilipas noong itong ating bansa ay nasa ilalim nito at maraming nag patunay na ito ay isang pagpapahirap sa mamamayan.

Huling pakiusap ko lang po sa aking mga mambabasa na sana po ay imulat natin ang ating mga mata sa katotohanan at wag sa mga matatamis na salita ng iilan. ang hustisya po ay pwede natin makamtam kahit na po tayo ay di isasailalim sa BATAS MILITAR ang kailangan lang po ay tunay at transparent na pag iimbestiga at pag huhusga.

gravatar

Comedy Time



sometimes we need to be not so serious.

gravatar

Fan Signs







Iskofydes!

gravatar

KL Memories (Kuala Lumpur, Malaysia) 2005







At the bridge of the Petronas twin tower. shot taken during my father inlaw's visit when we were still in Kuala Lumpur last 2005.



Batu Caves





Putra jaya Malaysia

gravatar

160 Days and counting (Election 2010)


Hala sige pili na!


Powered By Blogger