gravatar

Mauuso kaya ulit....?

Tila ang lahat ay nagbabalik kung inyong napapansin, bakit ika ninyo? pansinin na lamang ang musika, estilo ng mga sayaw, mga pananamit ng tao at mangilan-ilan pa.

ito ang isa ko na namang katanungan sa aking mga mambabasa (kung mayroon man.... he he he....)

Mauuso kaya ulit ang eroplanong papel?
mauuso kaya ulit ang bangkang papel tuwing tag-ulan?
mauuso kaya ulit ang mga sarangola?
mauuso kaya ulit trumpo?
mauuso kaya ulit ang tumbang preso?
mauuso kaya ulit ang mga flower people?
mauuso kaya ulit ang peOple power?
mauuso kaya ulit ang batas militer? (ay! teka mukhang nalimutan ko oo nga ibinalik na nga pala kamakailan..)
mauuso kaya ulit ang vote buying? (hmm.... lets wait and see.)
mauuso pa kaya ang coup de etat?

etc............etc...........etc.......
Ikaw ano sa palagay mo ang mauuso pang muli?


Powered By Blogger